Beauty

Ano nga ba ang Eczema?

Ang eczema ay tinatawag ding atopic dermatitis. Ito ay tila mga tagpi (patches) ng magaspang na balat, namamaga hanggang maging paltos, makati at nagdurugo.

 

Ano ang mga sintomas ng Eczema?

Kadalasang mapapansin ang pamumula sa mga gilid ng balat sa bisig at paa. Nagbibitak at nagsusugat na balat na karaniwang nasa iisang bahagi lamang ng katawan – mga gilit ng balat, siko, tuhod at alak-alakan ang karaniwang kinalulugaran nito.

 

Mahigit sa 10% ng mga bata (children) and nagkakaroon nito, kadalasang bago magedad ng lima (5) ang mga bata. Sa mga nakakaagap at hindi nagkakaroon nito noong sila ay bata pa ay maari nang hindi na magkaroon nito sa kanilang paglaki. Ngunit ang paglitaw ng sakit sa balat na ito ay maaring mangyari sa ano mang edad ng tao at mas mahirapan pang gamutin ito.

 

Maaaring sanhi ito ng allergy sa pagkain, lalo na sa gatas mula sa baka. Pero karaniwang nagiging dahilan ng pagsulpot nito ang sabon, moisturizers, tubig na may chlorine, buhangin, plant pollen, lana (wool), amag, alikabok at cold sores.

 

 

LUNAS AT MGA GAMOT

 

Ang eczema ay halos imposibleng maiwasan, ngunit maraming paraan upang mabawasan ang hirap ng nararamdaman na duot nito.

 

#1. Iwasan ang ang mga allergens gaya ng alikabok, pollen, amag, gamit ng mga aso, at pagkaing ipinagbabawal sa mga may eczema.

#2. Panatilihing presko at malamig sa loob ng tahanan.

#3. Umiwas sa sobrang mainit na kapaligiran.

#4. Gumamit ng mga skin care products na hindi naglalaman ng mataapang na kemikal at bango.

#5. Iwasan ang kasuotang may telang makakakati sa balat gaya ng wool at burlap. Mas mainam na gumamit ng cotton.

#6. Huwag manigarilyo, at limitahan ang pag expose sa mga lugar ng may naninigarilyo.

#7. Iwasan ang pag ka stress.

#8. Iwasan ang pagpapawis at maligo agad matapos ang ehersisyo.

#9. Hanggat maaari, mas piliin ang tile flooring at hardwood flooring kumpara sa mga carpets na maaaring mas masagap ang allergens.

 

Epektibong Non-drug treatments:

 

#1. Mild soap at moisturizers. Iwasan ang panunuyo ng balat. Ang moisturizing ay napakaimportante sa paggamot ng dry at makating balat.

  • Ito ay maaaring cream, ointments, o lotions.

#2. Short, warm showers. Iwasan ang sobrang mainit na tubig na maaaring makatuyo sa balat.

#3. Iwasan ang stress.

 

 

MGA RECOMMENDASYON NG MGA DOCTOR AT NAKARARAMIHAN


 

Katialis Ointment [Anti-Bacterial/Anti-Fungal]

Katialis Soap – 41.50 PHP
Katialis Ointment – 16.50 PHP (Small)
*Use both for best result.

FORMULATION:
Precipitated
Sulfur – 3.00g
Zinc Oxide – 3.00g
Resorcinol – 3.00g
Salicylic Acid 1.50g

INDICATION:
Prickly heat
Eczema
Dandruff
Pimples
RingWorm
Tinea Flava
UnderArm Odor
Athletes Foot
External Hemorrhoids
Insect Bites

By: Dr. Lorenzo C. Reyes,


 

  • Oatmeal baths, such as Aveeno’s Eczema Therapy Bath Treatment, are available and can provide immediate relief for babies and adults. 
  • Topical corticosteroids, which are creams or ointments, should be applied to the affected area twice daily. 
  • Antihistamines are allergy medications that help control itching. 
  • Oral or topical antibiotics may be prescribed to treat or prevent secondary infections. 
  • Ultraviolet light may be used by a dermatologist on older children and adults to help clear up severe eczema flare-ups.   
  • New medications can help to change the immune system’s reaction to flare-ups. 

 

 

Maaring isa ka sa milyung-milyong tao  na nahihirapan gamutin ang Eczema, hindi ka nagiisa! Ang pagkakaroon ng Eczama ay maaring magdulot ng hindi komportableng pakiramdam at maari ring magsimula sa pagbaba ng tiwala sa sarili ng isang tao, ngunit huwag kang mangambala, ang tulong mula sa mga kaibigan ay narito. Maaring komunsulta sa mga doctor upang malaman kung anong pinakamainan ng gamot ang maari mong subukan at maaring magwakas sa iyong Eczema.

 

Source: Flawlessbeautyandskin.com

To Top