PUERTO PRINSESA, PHILIPPINES – Ang bayan ng Puerto Prinsesa sa Palawan ay nagpa-plano na magtayo ng parke upang maipagmalaki ang Palawan cherry blossoms na kahawig ng bantog na Japanese Sakura Gardens.
Ito ay tatawaging Balayong Park na ipinangalan sa lokal na pangalan ng puno ng cherry blossom, ayon kay Mayor Lucilo Bayron nitong Lunes. Ang mga puno ng balayong ay itatanim sa Palawan Sports Complex at sa paligid nito.
“Kung pupunuin natin ng mga balayong trees ‘yan, pag namulaklak, magiging maganda sa paningin.”, ayon pa kay Bayron.
Kombinasyon ng light pink at white flowers ang balayong kapag namulaklak.
Ito ay parte ng mga plano ng lokal na pamahalaan ng Palawan upang mas mapaigting pa ang turismo sa lugar.
Ang pinak-unang Japanese cherry blossompark sa bansa ay nasa Atok, Benguet. Ang mga sakura trees ay itinanim nito lang buwan. Inaasahan itong mamumulaklak pagkalipas ng tatlong taon.
CREDITS: CATHERINE SANTOS
SOURCES: CNN PHILIPPINES
#Japinoy #Japinonet