Health

Antibody Nadiskubre Kontra Coronavirus

Isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Kitasato University ang nagpahayag noong May 7 na nakadiskubre sila ng isang paraan upang makapagproduce ng antibody na may kakayahang pahinain ang pagkalat ng coronavirus. Magandang simulain upang masimulan ng makalikha ng isang vaccine kontra coronavirus.
Ang grupo ay binubuo ng Kitasato University, Kao and Epsilon Molecular Engineering Co. Ayon sa Kitasato University, ang bagong tuklas na antibody ay napipigilan ang impeksyon, umeepekto lamang sa coronavirus upang mapigilan ang pagpasok nito sa human cells.
Ang bagong tuklas na antibody ay tinawag na “VHH antibody”, mula sa antibodies ng alpacas. Ang VHH ay hindi apektado ng pagbabago ng temperatura at madaling paramihin.
Inaasahan ng Kitasato University na ang mabuting resulta nito ay maging susi na upang tuluyan ng makagawa ng therapeutic drugs at test drugs kontra coronavirus.
https://www.youtube.com/watch?v=bC75ECHAaSc
Source:ANN NEWS

To Top