Aomori: Filipina arrested for performing cosmetic injections without license
Isang 41-anyos na Filipina na esthetician ang inaresto dahil sa hinalang paglabag sa Japan’s Medical Practitioners Act matapos umano siyang magsagawa ng cosmetic injection procedures nang walang lisensiyang medikal sa lungsod ng Misawa, Aomori Prefecture.
Ayon sa pulisya, ang suspek—na nakatira sa Aichi Prefecture—ay umano’y nag-inject sa labi ng dalawang babae sa apat na magkakaibang pagkakataon mula Marso hanggang Mayo ng nakaraang taon, sa isang inuupahang silid sa lungsod. Isinagawa ang mga procedure para sa layuning kosmetiko kahit hindi siya lisensiyadong doktor.
Nabunyag ang insidente matapos ireport ng isa sa mga kliyente sa mga awtoridad na “maaaring nabigyan siya ng iniksyon ng isang taong walang lisensiyang medikal.” Batay sa imbestigasyon, ginagamit umano ng suspek ang social media upang makahikayat ng mga kliyente.
Isa sa mga babae ang nagkaroon ng bukol sa labi matapos ang procedure ngunit kasalukuyan nang nakarekober. Sa imbestigasyon, inamin ng suspek ang paratang at sinabi na nag-inject siya ng hyaluronic acid.
Source: ATV News
