APAT NA PINOY (BABAE AT LALAKI) NAHULI KONEKTADO SA ILLEGAL WORK HABANG NAG-A-APPLY NG REFUGEE VISA
Dinakip ng Aichi-ken Police nuong Jan 18 ang apat na Pinoy konektado sa illegal na pagtratrabaho habang kasulukuyang nag-apply sa Japan ng Refugee Visa (na pumasok sa Japan gamit ang Tourist Visa).
Tatlo sa nahuli ay dumating sa Japan ng August 2017 at agad na nag-apply ng Refugee Visa. Ayon sa batas, hindi pinapayagan na mag-trabaho ang Refugee Visa applicants sa unang 6 months. Simula ng January 15 ay nagsimula nang maghigpit ang Ministry of Justice ng Japan sa pagsiyasat ng applications tungkol sa pag-apply ng Refugee Visa at pagbigay ng patas na pagkakataog mag-trabaho pagkatapos ng application.
Ang polisya ay kasalukuyang mag-imbestiga ng mga broker at kumpanya na nagbibigay ng illegal na trabaho. Ang mga dadakip ay sina Ms. Lucia Guarin Higa (49 anyos), Mr. Melvin Sesutina Bagsik (32 anyos). Si Ms. Higa ay lumamalabas na broker ng mga nadakip. Si Ms. Higa ay pinaghihinalang nagbigay ng trabaho kina Mr. Bagsik at dalawa pang kasamahan at nagpatira sa kanila sa isang apartment sa Minami-ku mula October 2017 hanggang January 2018. Sina Mr. Bagsik ay pinaghihinalaang nagtrabaho mula October hanggang November ng 2017 sa Gifu-ken sa isang construction company as illegal workers. Sinabi ng Nagoya Immigrations Office na sa mga nakaraang taon, bigla na lamang naging 3 times ang dami ng mga applicants ng Refugee Visa. Naging obvious ang pagdami ng mga kasong mahirap i-consider na Refugee dahilang ang mga ito ay hindi alinsunod sa tamang defintion ng Treaty para sa mga Refugee, at madalas abusuhin Refugee Visa application process.
REFERENCE: SANKEI SHINBUN January 18, 2018.
By: Jean Nakahashi