Entertainment

Arashi announces end of activities in may 2026

Ang tanyag na Japanese pop group na Arashi, na nasa hiatus mula pa noong 2021, ay opisyal na nag-anunsyo ng pagtatapos ng kanilang mga aktibidad sa katapusan ng Mayo 2026. Ipinabatid ang desisyon sa mga tagahanga sa pamamagitan ng isang eksklusibong video para sa mga miyembro ng fan club, kung saan lumabas ang limang miyembro – sina Satoshi Ohno, Sho Sakurai, Masaki Aiba, Kazunari Ninomiya, at Jun Matsumoto – nang magkakasama, na minarkahan din ang pagbabalik sa publiko ni Ohno matapos ang matagal na pamamahinga.

Bilang bahagi ng kanilang pamamaalam, magsasagawa ang grupo ng concert tour sa tagsibol ng 2026 – ang kanilang unang tour sa loob ng halos pitong taon. Layunin nitong personal na pasalamatan ang mga tagahanga sa suporta sa loob ng mga dekada. Sa mahigit 43 milyong kopya ng mga naibentang album at single – kabilang ang 58 singles at 21 albums – naging isa ang Arashi sa pinakakilalang grupo sa kasaysayan ng Japanese pop music na minahal ng maraming henerasyon. Kasabay ng pagtatapos ng kanilang aktibidad, ay tuluyan na ring isasara ang kanilang opisyal na fan club.

Source / Larawan: Chunichi Sport 

To Top