Culture

The Art of Utagawa Hiroshige Landscapes

Hiroshige Landscapes

Ang masiglang turismo ng Japan ay binubuo ng mga magagandang lugar na kailanman ay hindi matatawaran ang kariktan at kasaysayan. Kilala nyo ba si Utagawa Hiroshige? Kilala ang kanyang mga obra na kung tawagin ay Hiroshige landscapes. Ang mga ito ay bibighani sa inyong paningin at balintataw saan ka mang sulok ng daigdig naroroon. Ilan sa kanyang mga pamosong koleksyon ay ang mga sumusunod: The Fifty-Three Stations of Tokaido at ang Sixty-Nine Stations of Kiso Kaido.

Sari-Saring Hiroshige Landscapes

Sari-saring landscapes ang ginawa ng mga malilikhaing kamay ni Hiroshige mula 1829-1830. Ang maalindog na Eight Views of Omni (o Eight Views of Lake Biwa) ang isa rito. Pagsapit ng 1831, ang Ten Famous Places of the Eastern Capital ang nagbunsod kay Katsushika Hokusai upang magkaroon isang serye na tinatawag na Thirty Six Views of Mount Fuji.

Alam natin na hindi madaling maglakbay sa iba’t –ibang panig ng mundo. Kaya naman, ang butihing asawa ni Hiroshige ay hindi nagdalawang isip na siya ay tulungan sa kanyang mga adhikain, lalo na sa pinansyal na gastusin. Maging mga gamit nito ay kanyang ipinagbili upang suportahan si Hiroshige. Gumawa rin ang kanyang maybahay ng mga sketches ng locations.

Kalaunan, ang mga pamosong landscapes ni Hiroshige ay inihalintulad sa mga kaakit-akit na mga liriko.  Ang mga paksa ng mga Hiroshige landscapes ay ang mga misty atmospheres, picturesque ng mga old pine trees at mga fishing boats. Masasalamin dito ang kanyang mga tunay niyang mga saloobin ukol sa kalikasan anuman ang bugso ng mga panahon.  Ngunit ang walang kamatayang One Hundred Views of Edo ang kinikilalang most uneven landscape sa kasaysayan ng Japanese arts. Ito ay kanyang binigyang buhay noong 1856-1858.

Ukiyo-e Art

Ang kamatayan ni Hiroshige ay nagbunga ng biglaang pagbaba ng Ukiyo-e genre. Ang istilong ito ay nagbigay ng inspirasyon maging sa mga Western paintings lalo na sa pagtatapos  ng 19th century.

 

Tunay na ang pagpupunyagi ng isang alagad ng sining tulad ni Utagawa at ang kanyang mga Hiroshige landscapes ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman sa mundo sapagkat ito ay isang wagas na regalo mula sa Poong Maykapal.

To Top