Maraming mga mag-asawa ay may problema sa mga tanong ng kung sino ang dapat unahin, ang iyong asawa o ang iyong mga magulang? Ang sagot ay ang iyong “Asawa” dahil iyon ang iyong Pinaka-unang obligasyon. Kapag pumasok ka sa buhay may-asawa, kailangan mong iwan ang iyong mga magulang upang makabuo ka at makapagumpisa ng sarili mong pamilya. Hindi ito nangangahulugan na hindi ka na makikipag-usap sa kanila, o tatalikod na sa responsibilidad o anu pa man ngunit ito ay para makabuo ka ng matatawag mong “sariling pamilya”. Bukod sa iyong magulang, kapatid at kamag-anak.
Narito ang ilan sa mga bagay na madalas sabihin na nagiging sanhi o ugat ng problema sa buhay may-asawa:
- “Wala akong lakas ng loob para magsabi ng ‘hindi’ sa aking mga magulang.”
- “Madali lang para sakin ang tumanggi sa asawa ko pero ang problema hindi ako makatanggi sa aking mga magulang.”
- “Walang problema sa magulang ko, Sadyang OA lang ang asawa ko at nagiinarte.”
Naranasan nyo na ba ang ganyang mga senaryo o sitwasyon sa buhay ninyong mag-asawa? Ano ang nangyari? Naresolba ba o may nabago sa mga isyu ninyo sa pamilya pagkalipas ng ilang taong pagsasama?
Narito naman ang ilang katanungan para matesting at malaman kung anu nga ba ang mas mahalaga sa inyong mga asawa, ang kanyang magulang o ang inyong pamilya.
- Nagagalit o naiinis ba ang iyong asawa kung binibisita ka ng iyong magulang ng biglaan at walang pasabi?
- Naapektuhan ba ang asawa mo sa madalas na pagtawag tawag ng iyong magulang araw man o gabi?
- Pini-pressure mo ba ang iyong asawa para magbakasyon sa iyong mga magulang dahil sa kagustuhan ng iyong mga magulang?
- Mas pinakikinggan mo ba ang sasabihin ng iyong mga magulang tungkol sa iyong asawa?
- Sa mga lalaki: Inaakusahan mo ba na nagoover-react lang ang iyong asawa tungkol sa isang bagay kapag may sinabi ang iyong mga magulang?
- Para naman sa mga babae: Saan ka mas humihingi ng tulong o payo tungkol sa mga bagay bagay, sa iyong tatay o sa iyong asawa?
Kung halos sagot mo sa mga tanong sa taas ay “oo”,Malamang ikaw nga ay naguguluhan at hindi mo alam kung sinu at anu ang mas mahalaga ang Asawa o magulang. Malamang ay madalas din itong pagugatan ng problema at away ninyong magasawa.
Ang pagpili sa pagitan ng iyong asawa at mga magulang ay ginawa mo na noong nagpakasal kayo at nagpalitan ng inyong mga panata o “wedding vows”. Kailangan mong mag-focus sa pagsuporta sa iyong asawa at sapat na ang inyong mga panata nung ikinasal kayo para ang isa’t isa ang inyong maging unang priority, hindi na mahalaga kung sang-ayon dito ang inyong ina o ama.
Narito ang 9 sa mga pinaka-karaniwang bagay na pangyayari na ginagawa ng iyong mga magulang na maaaring makagambala sa pagsasama ninyong mag-asawa at kung ano ang mga dapat gawin:
1. “Sobrang pangengealam sa mga bagay bagay”.Biglaang pagbisita ng walang pasabi, at kailangan lahat ng bagay tungkol sa mga balak at desisyon ninyong magasawa ay obligado kayong ipaalam sa mga magulang.
Paano resolbahin: Itakda ang ilang mga patakaran. Makipag-usap sa iyong mga magulang tungkol sa mga pagbisita at sabihin na kailangang magpasabi man lang sila bago bumisita dahil “papanu na lang kung kayo ay nasa kalagitnaan ng paglalambingang mag-asawa?” (para mas maintindihan nila ang pagrerespeto sa privacy nyong magasawa). Sabihin sa kanila na mahal mo sila, ngunit kung hindi sila tumawag nang maaga, ang pinto ay hindi bubukas maliban na lang kung ito ay isang emergency o may taong namatay. Ang mga ito ay maaaring makasakit ng kanilang damdamin, ngunit ito ay kinakailangan.
2. “Dahil ikaw ay anak nila, marapat lamang na sumunod ka sa yapak at pamamaraan nila”. Pagbabahay, pananalapi, pagpapalaki ng mga bata, pananamit, at pagbabakasyon – alinman sa mga ito, ang iyong mga magulang ay umaasang gagawin mo din ang mga bagay-bagay nang eksakto tulad ng kanilang ginawa.
Paano resolbahin: Ang pagaasawa ay parang pagsasama ng dalawang tao na may dalawang hanay ng mga genes, pag-uugali, na may kanya-kanyang pamamaraan sa mga bagay upang maging isa at makabuo at makatayo sa sarili nila. Sabihin mo sa iyong mga magulang na naaappreciate mo ang kanilang mga suhestyon at pananaw, ngunit nagawa mo na ang iyong sariling desisyon.Kailangan mo ng magsarili.
3. “Susubukang gawin ng iyong magulang ang lahat ng bagay para sa iyo”. Maaring regaluhan ka ng sasakyan o kaya pagbakasyunin o bigyan ng kung anu pa man.(siyempre, ang kotse ay dapat pinili nila at ang mga bakasyon ay dapat kasama nila.)
Paano resolbahin: Kung hindi ka pinagpalang magkaroon ng maraming pera, convenient at mas makakaluwag na magkaroon ng mga magulang na magbabayad para sa iyo, ngunit may mga palaging consequences na kalakip. Ikaw ay magiging dependent sa kanila, na nangangahulugan na ikaw at ang iyong asawa ay hawak nila sa leeg. Dapat sabihin sa iyong mga magulang na walang silang regalo na lalagpas sa halagang halimbawa 5000php (halimbawa lamang). Di man kayo makaipon agad agad dahil wala kayong aasahang tulong pinansyal mula sa iyong mga magulang ngunit magkakaroon ka naman ng pagmamalaki sa iyong sarili at sa iyong asawa.
4. “Marami silang negatibong napupuna o nakikita sa iyong asawa sa pamamaraang nakakasira o pangit pakinggan”. Kadalasang problema kapag hindi sang-ayon ang iyong pamilya sa desisyon mo sa pagpili ng iyong pakikisamahan habangbuhay.
Paano resolbahin: Ipaliwanag sa iyong mga magulang na hindi mo nais na marinig ang mga ito at hindi ka na makikipagusap pa sa kanila kung hindi sila titigil. Nagpakasal ka at pinili mo ang iyong asawa para pakisamahan at gugulin ang panghabangbuhay kasama sya at hindi sila. At yun ang bagay na pinakamahalaga hindi ang opinyon ng iba.
5. “Pamumuna sa paraan ng iyong pamumuhay”. Mula sa kung gaano kalayo ang iyong tirahan hanggang sa kung paano mo gastusin ang iyong pera.
Paano resolbahin: Manindigan sa pinili mong buhay kasama ang iyong asawa. At HUWAG PUMANIG SA IYONG MGA MAGULANG laban sa iyong asawa hangga’t maari. Huwag nang ipaalam sa iyong asawa ang ilang mga bagay bagay tungkol sa opinyon ng iyong magulang lalo na kung makakasakit ito ng kanyang kalooban upang makaiwas sa problema at gulo o anumang pwedeng pagmulan ng hindi pagkakaunawaan.
6. “Ginagawang isyu ang mga maliliit na bagay”. Halimbawa nagpunta ka sa kasal ng iyong in-laws kesa pumunta sa taunang reunion ng inyong pamilya.
Paano resolbahin: Kailangan ipaalala mo sa kanila ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng dalawang pamilya, Sila at ang pamilya ng iyong asawa. Ang reunion ng inyong pamilya ay taunan naman dinadaos mas mahalaga ang kasal sa side ng iyong asawa dahil minsan lamang ang ganung kaganapan. Magandang magpaliwanag muna sa maayus na paraan upang maintindihan ng iyong mga magulang at maiwasan ang anumang tampuhan at hindi pagkakaintindihan.
7. “Sila mismo ang nagsisilbing masamang ehemplo”. Ang iyong ina ay diborsiyado ng apat na beses, o kaya naman ang iyong ama ay walang magawang matino sa buhay.
Paano resolbahin: Hindi mo maaaring ayusin o baguhin ang iyong mga magulang o ang nakaraan, kaya huwag ng pagaksayahan ng panahon para subukan. Sa halip, gamitin mo na lang ang iyong panahon upang ayusin ang kasalukuyan at ang kinabukasan ng iyong pamilya.
8. “Sila ay nagiging maramot”. Madamot sa paraang ipinagdadamot nila ang iyong kalayaang mamili at magdesisyon sa mga mahahalagang okasyon ngayong nagasawa ka na.
Paano resolbahin: Ang mga magulang ay karaniwang umaasa sa lahat ng mga pistang opisyal at pagdiriwang ng pamilya na mananatiling pareho sa nakaugalian kahit na pagkatapos mong mag-asawa. Gayunman, kailangan mong sabihin sa kanila na ikaw ay may isang bagong pamilya, na kung saan ay nangangahulugan ng bagong mga tradisyon at pagbabago sa ilang mga bagay at nakaugalian.
9. “Hindi nila nirerespeto ang pamamaraan mo sa pagpapalaki ng mga anak mo”. Iniispoiled nila ang mga bata at hindi nila pinapakinggan anuman sa mga rules na binibigay mo sa mga bata na syang nagiging dahilan minsan bakit matigas ang ulo ng mga bata o lumalaban sa magulang.
Paano resolbahin: Huwag kalabanin ang iyong mga magulang, panatalihin ang Respeto. Limitahan ang iyong mga magulang ng maikling panahon ng oras kung hindi nila susundin ang iyong mga alituntunin, o tiyakin na ikaw ay andun kung sakaling may ibigay man o gawin sila para sa mga bata.
Ngayon, Papaano naman kung ang problema mo ay ang iyong asawa at hindi ang iyong mga magulang?
Paano resolbahin: Makipag-usap sa iyong asawa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng heart-heart talk o maayus at maliwanag na usap sa halip na awayin at gyerahin mo ang asawa mo at sisisihin mo sa lahat ng bagay, mas makakaisip kayo ng magandang paraan ng magkasama kung papanu itaguyod at patakbuhin ang buhay ninyong magpamilya ng walang inaasahan sa iba.
Sana ay makatulong ang ilang tips na ito upang mas mapalawig at mas mapaganda at maresolba ang anumang problema sa buhay ninyong magasawa.
Isang paalala: Asawa muna bago ang Magulang maliban na lang kung kinakailangan ka talaga ng iyong mga magulang ng dahil sa personal na kadahilanan pero wag naman palagi na lang sila ang una at huli ang iyong pamilya at asawa dahil sa huli kapag di mo pinahalagahan ang iyong asawa at ang inyong pamilya, maaring mauwi ito sa wala at dahilan upang mabuwag ang inyong pagsasama na maaring magbigay ng trauma para sa mga bata.
You must be logged in to post a comment.