Beauty

Nakakabuti nga ba ang Astringent sa Balat?

Ang mga  astringents ay isang uri ng produkto na may mataas na kemikal upang malinis, pumuti at kuminis ang kutis sa mukha. Maaari itong magdulot ng pamamalat at pamumula sa balat. Ngunit, maari rin itong makasama kung walang sapat na kaalaman sa tamang paggamit nito.

 

MGA DAPAT ALAMIN SA PAGGAMIT NG ASTRINGENT

 

#1. Magpakonsulta sa dermatologist para malaman kung anong klase ng astringent ang dapat gamitin.

 

#2. Para maiwasan ang pagkakaroon ng pigmentations, gumamit lamang ng astringent 1 beses sa isang araw lamang.

 

#3. Dapat marahan ang paglalagay at pagpapahid ng astringent sa mukha.

 

#4. Pabilog at pa-itaas ang tamang pagpapahid ng astringent.

 

#5. Maglagay ng sunblock matapos magpahid ng astrigent lalo na kung magbibilad sa araw.

 

#6. Ang paggamit ng mga astringent ay hindi inirerekomenda sa mga may edad 16 pababa.

 

#7. Ang pagpapahid ng mga pure acid o citric acid tulad ng calamansi ay hindi nirerekomenda sa mga may namumulang balat, maaaring lalo itong masunog at mamula.

 

 

MEDICAL TREATMENTS

 

Sa mga na damage ang skin mula sa paggamit ng astringent, kadalasan isinasagawa sa ilalim ng medical treatment na “INFUSION” o pagpapaputi at moisturizing ng balat upang mawala ang pangigitim at patch sa mukha.

 

“Mesowhite Injection” ito ay whitening solution treatment sa balat na pag iinject sa parte na kung saan malala ang pangingitim.

Ang presyo ng dual treatment na ito ay nagkakahalaga ng P6000-P8000

kada session.

 

 

Ang ating mga balat ay napakahalaga sa pagbibigay ng proteksyon sa ating pangkahalatang kalusugan. Ito ay nararapat na pagkaalagaan. Limitahan ang pagpapahid o paggamit ng mga produktong mataas ang kemikal at mainam na magpakonsulta muna bago gumamit ng mga produktong kinapupusuan. Ang paggamit rin ng mga pampagandang produkto ay dumidipende rin sa pangangailangan ng uri ng balat. Magpasuri at alamin ang tama at watong paggamit at produkto na nararapat lamang para sa inyong balat.

 

 

 

 

 

 

 

To Top