Crime

AWAY MAG-ASAWA, HUMANTONG SA PATAYAN

Sa siyudad ng Higashi Osaka, nagkaroon ng away mag asawa na humantong sa patayan.

Si Honma Seiji (36) ay inaresto sa hinalang pagpatay sa kanyang asawa na si Yoshiko (35) noong April 22.
Nagkaroon ng away sa pagitan nina Honma at ang kanyang asawa, at noong nag aaway, itinapon niya ito sa sahig, si Yoshiko ay namatay ng sumunod na araw. Ayon kay Honma, wala siyang intensyong patayin ang asawa, patuloy pa din iimbestigahan ng police ang kaso.

Source: ANN News

To Top