Culture

Ayumi Endo and her Viral Duterte Paintings

Viral Duterte Paintings

Si presumptive Philippine president Rodrigo Roa Duterte ay lalo  pang nagningning sa larangan ng pulitika ng siya ay gawing obra ni Ayumi Endo, isang tanyag na  Japanese  painter na lubhang nabighani sa makatao at makatarungang katangian ni Digong. Kabilang sa kanyang mga sikat na likha ay ang mga sumusunod: The Patriot, Tatay Digong at Change is Coming. Si Endo ay nagmula sa Osaka, Japan.

Pawang gawa sa digital ang mga likha ni Ayumi at tumatalakay sa tunay na pagkatao ng bagong pangulo ng republika. Simula ng ito ay maging isang Facebook sensation, ang mga Duterte digital paintings ay nagkaroon na ng mahigit 10,000 shares (and counting).

Sino si Ayumi Endo?

Sa mga susunod na talata, ating kilalanin si Ayumi Endo ng mas malalim upang ating malaman kung paano siya naging isang magaling na alagad ng sining.

Bago pa man naging artist, si Ayumi ay tauhan ng isang fashion boutique. Nang mga panahong iyon, siya ay nagsimula nang gumawa ng mga sketches at ang paglikha ng iba’t-ibang disenyo ng t-shirts. Nang dumating ang  magandang kapalaran, siya ay nagtungo sa New York, upang  magmunimuni  kung ang pagpipinta  nga ba ang kanyang buhay at tunay na kaligayahan. Sa wakas, napagtanto niya na ito ang kanyang lifeblood. Nang siya ay nasa New York na, tanging ang kanyang sarili  lamang ang kasama sa  paghahanap ng magandang kapalaran.

Ayon sa  isang  panayam, ang magandang binibini ay nagsimulang  magpinta sa edad na 22 years old. Bilang isang inspirasyon, si Jane Goodall ang itinuturing niya na idolo sa larangang  malapit sa kanyang puso at kaluluwa.

Gaano katagal bago niya matapos ang isang maganda at maimpluwensiyang obra?

Mula sa konsepto hanggang sa disenyo, ang bawat isa ay inaabot lamang ng dalawang linggo.

Paano niya nakilala  si incoming President Rodrigo Duterte?

Si Ayumi Endo ay nakatanggap ng isang imbitasyon mula sa USC-SAFAD. Ito ay ang University of San Carlos School of Architecture Fine Arts and  Design na nagsaggawa ng isang live painting session at isang malaking pagtitipon kasama ang mga taga Mega Cebu. Ayon sa kanya, ang kanyang manager na si Billie ang  nagpakilala sa kanya tungkol kay Mayor at ngayon ay Pangulong Duterte na pagsapit ng June 30,2016.

Ano nga ba ang nagbunsod sa kanya upang gumawa ng mga VIRAL Duterte paintings? Tuwirang sinabi ni Ayumi na ang kanyang inspirasyon ay ang mga Filipinos na  sumisigaw at humihiling ng tunay na pagbabago sa lalong madaling panahon.

 

Maliban sa paintings, ang talentadong si  Endo ay mahilig ring lumikha ng awitin at tumugtog ng piano. Mahalaga rin sa kanya ang bawat hamon na kanyang hinaharap sa bawat araw na lumilipas. Para sa kanya, ito ay isang paraan  upang mahanap natin ang ating mga sarili.

Mabuhay ka Ayumi Endo!

To Top