General

AztraZeneca: Makakapagsupply ng 1 Bilyong doses ng “covid vaccine” simula Septyembre kung magiging matagumpay ang isinasagawang clinical trials sa kasalukuyan

Tungkol sa bagong bakuna kontra coronavirus, inihayag ng British pharmaceutical giant na “AstraZeneca” na magsisimula itong makapag-supply sa Setyembre ng 1 bilyong doses na produksiyon kung magiging matagumpay ang resulta ng patuloy na clinical trials na isinasagawa ngayon sa Oxford University. Ayon sa AstraZeneca, ang bagong bakuna ng coronavirus, na pinagsama-sama at binuo sa Oxford University, ay nakapagtatag ng isang sistematikong produksyon hanggang 1 bilyong beses sa susunod na taon. Inaasahang magsisimula ang produksyon sa bakuna sa Septyembre sa taong ito, at pumirma na ito ng isang order ng kontrata ng 400 milyong beses. Halos 300 milyon sa mga ito ang ibibigay sa Estados Unidos, ayon sa British media. Gayunpaman, pahayag mula sa AstraZeneca, “Alam namin na ang bakuna ay wala pang kasiguraduhan at maaaring hindi maging epektibo.”

Source: Reuters, Youtube

To Top