General

Babae nag-‘bomb joke’ sa LRT-1, kalaboso ang bagsak

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae matapos diumanong magbirong may bomba sa Light Rail Transit-1 sa Baclaran station, Lungsod ng Pasay nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek bilang si Maribeth Florentino, 23-anyos mula Caloocan City, ayon sa spot report na ipinadala ng Southern Police District sa kanilang Viber group.

Haharap sa kasong Presidential Degree 1727 o “Malicious Dissemination of False Information Concerning Bomb” si Florentino matapos mag-joke patungkol sa bomba bandang 8:15 a.m, ika-5 ng Hunyo 2019.

Nahuli siya ng lady guard na si Erlinda Unabia, 51-anyos, na nakatalaga sa parehong istasyon.

Kinumpirma naman ni Police Col. Bernard Yang, hepeng Pasay City Police, ang insidente, ayon sa ulat ng dzBB.
Maaaring makulong ng hindi lalagpas sa limang taon, o multang hindi lalagpas sa P400,000 o pareho ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2019/06/06/1924129/babae-nag-bomb-joke-sa-lrt-1-kalaboso-ang-bagsak#bARMMfl8Hz0i9fMm.99

Babae nag-‘bomb joke’ sa LRT-1, kalaboso ang bagsak
To Top