Noong nakaraang summer, isang babae na nasa kanyang 50s ang naiulat na kinagat ng nanghihina na pusang kalye at namatay pagkatapos magka-impeksyon ng Severe Fever Syndrome with Thrombocytopenia (SFTS). Ang sakit naito ay nata-transmit kapag nakagat ng isang tick o garapata. Ito ang pinaka unang kaso ng transmission at pagkamatay dahil sa SFTS na mula sa hayop papunta sa tao.
Noong June, nakitaan din sa western Japan ang mga alagang hayop na may SFTS. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang posibilidad na ma-transmit ang disease na ito galing sa malusog na hayop papunta sa tao ay mababa. Subalit, kinakailangan pa din bigyan ng pansin ang kalusugan ng hayop.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=OLS8rlHOhio