General

Babaeng may covid sa Tokyo, nagpakamatay,”Mutant virus infection” sa Shizuoka kumpirmado.

Hindi biro ang mga isyu ng depression sa panahon ng pandemya. Lalo at sa araw araw ay hindi bumababa sa 1 libo ang nakukumpirmang positibo sa Tokyo lamang. Ang mamamayan ay nangangailangan din ng mental health care hindi dahil sa sila ay may sira sa ulo o sakit sa pagiisip kundi ang mabilis na pagbabago sa kapaligiran na dulot ng patuloy na pagkalat ng impeksyon ang nakikitang dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng mga nadedepress na minsan ay nagreresulta sa kawalan ng positibong pananaw at tuluyang bumibigay at nagpapakamatay. Tulad na lamang sa kaso ng isang babae na nasa 30’s na kamakailan lamang ay nagpakamatay sa isang condominium sa Tokyo, sa isang interview noong ika-15 ng buwang ito napag-alaman na ang babae ay ” asymptomatic “. Tumatanggap ng medical treatment ang nasabing babae sa bahay nito, nakita ang isang suicide note at nakasaad dito na ” dahil patuloy ako na lumalabas, dahil sakin kumalat at nahawahan ko pa ang iba, kasalanan ko.” Nakumpirma ang impeksyon sa babae sa unang linggo ng buwang ito, dahil dito ay sumailalim ang lahat ng nakasalamuha nito mapabata o matanda at nakumpirma ang positibong resulta mula sa mga ito. Dahil sa walang sintomas ang babae kung kaya’t stay at home medical treatment ang ginawa rito na may mahigpit na bilin mula sa health center.

Ayon sa National Police Agency’s suicide statistics, tumaas ang bilang ng suicide cases noong nakaraang taon na umabot sa 20,919. Pinakamataas na bilang sa loob ng 11 years, sa kasarian, bumaba ng 135 katao ang bilang ng mga kalalakihan sa nakaraang taon samantalang tumaas naman sa 885 ang bilang ng mga kababaihan. Pahayag ng Ministry of Health, Labor and Welfare, Suicide Countermeasures Promotion Office: ” ang epekto ng corona virus ay may kaakibat na pagbabago sa ekonomiya at sa kapaligiran. Kung kaya’t ang pagtaas ng bilang sa mga babaeng nagpapakamatay ay may kaugnayan sa epekto ng corona virus.”

Ang “nosocomial infections” o kaso ng hawahan sa loob ng isang medical facility ay nagiging pangkaraniwan sa mga institusyong medikal sa Tokyo. Ang Kawakita General Hospital  sa Suginami-ku, Tokyo, na kung saan ay tumatanggap sila ng mga pasyenteng may corona ay nagkaroon ng 53 kaso ng hawahan noong ika-20 ng buwang ito. Ngunit ang hawahan ay hindi nangyari sa ward na kung saan naroroon ang mga corona patients. Habang pinapalawig ng ospital ang sistema nito para sa patuloy na pagtanggap sa mga kaso ng corona, hindi maiiwasan na may mga kaso ng emerhensiya na kung saan kailangang ilipat ng isang pasyente. Sa Shizuoka Prefecture, ang ika-apat na taong positibo sa “mutant virus” na kumakalat ngayon sa United Kingdom ay nakumpirma. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare,  ang bagong nakumpirmang kaso ng impeksyon ay sa isang babae na nasa edad 60’s, na naging close contact ng isang lalaki sa kanyang 60’s rin. Dagdag pa rito ay ang 2 kaso ng babae na nasa 20’s at 40’s ngunit walang history ng paglalakbay sa labas ng bansa. Posibleng nangyari ang hawahan sa loob na mismo ng siyudad. Dahil rito ang naging tugon ng Mayors’ Association at ng Municipal Association of Shizuoka Prefecture ay isang panawagan sa prefectural Governor na muling maglabas ng state of emergency. Ngunit, ayon sa governor gusto nya munang subukan kung ano ang kanyang magagawa sa kasalukuyan ng hindi kinakailangang maglabas ng state of emergency. Dagdag pa ni Governor Kawakatsu of Shizuoka Prefecture: ” Wala tayo sa stage 4 sa buong prefecture, kung kaya’t hindi kinakailangang magdeklara ng isa pang state or emergency sa ngayon.”

https://youtu.be/F1z_nIubV60

Source: ANN NEWS

To Top