Babaeng may nakatusok na gunting sa ulo namatay umano dahil raw sa Heat Stroke,
Ano nga ba ang nagyari sa babae? Isang babae, hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ay natagpuang patay na may nakatusok na gunting sa kanyang ulo. Ayon sa judicial autopsy, ang sanhi ng pagkamatay raw umano ay heat stroke. Sa isang balkonahe, kung saan ay pinagpapatuyuan ng mga nilabhan, natagpuan ang katawan ng babae na nakahandusay at may gunting na nakatusok sa kanang bahagi ng ulo nito. Ang lalim ng sugat ay nasa 5cm. Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga fingerprints sa hawakan ng hagdanan, maski ang mga footprints. Ngunit matapos ang imbestigasyon, napag-alaman na hindi naman seryuso ang sugat nito sa ulo na nagmula sa pagkakatusok ng gunting at ang itinuturing na sanhi ng pagkasawi ng biktima ay ” HEAT STROKE “.
Nireview nila ang kuha ng cctv sa parking lot ng katapat na kwarto ng tirahan ng biktima at nakita mula rito ang pagkakatumba ng babae ng mag-isa.
Chineck din nila ang datos sa araw ng pangyayare, at napag-alamang umabot sa 30.7 degrees ang temperatura sa Osaka City, at ang humidity ay nasa 87%. Ang mataas na temperatura at humidity ay mga kondisyong mas mataas ang panganib na magkaroon ng heat stroke. Sa unang 2 linggo ng buwang ito ay sinasabing pinakamainit sa history ng Tokyo, at ang naitala naman sa Osaka ay first time ulit makalipas ang 7 taon..
https://youtu.be/4C1IuN40uB0
Source: ANN News