General

Babaeng nurse kumpirmadong nahawahan ng pasyente sa Tokyo

Ayon sa mga opisyales, 1 bagong kaso na naman ng nahawahan ng coronavirus sa Tokyo.

Ang infection ay nakumpirma sa isang 20-anyos na babaeng nurse sa isang hospital sa Suginami Ward, Tokyo, na siya raw umanong nag-asikaso sa isang lalaking pasyente, edad nasa 80’s na binawian ng buhay matapos maconfine sa ospital. Ang babae ay hindi na muling humawak pa ng ibang pasyente matapos ang insidente at imposible raw na nakuha o kumalat pa ang virus sa naturang ospital.

 

Source: ANN News

To Top