Bagong Gamot
Nag-anunsyo ang isang American pharmaceutical company ng isang positibong resultang klinikal ng Remdesivir, na kung saan maaaring ito na ang bagong lunas para sa coronavirus.
Naghayag ang Gilead Sciences, Inc. noong April 29 sa isang clinical trial ng Remdesivir na may mga magandang improvement umanonsa mga pasyenteng malalang nahawahan ng covid-19.
Saad ni Fauchi, director of the National Institute of Allergy and Infectious Diseases: “ napatunayan na may gamot ng maaring gamiting panlaban sa coronavirus.”
Ayon sa mga clinical studies mula sa US government, bumaba sa 31% ang recovery period ng mga pasyenteng nakatanggap ng gamot na ito. Sabi ng US media report, dapat ng aprubahan ng US government ang antiviral na Remdesivir bilang pinakaunang treatment drug laban sa coronavirus sa lalong madaling panahon.
https://www.youtube.com/watch?v=SxXiEQD-hY8&feature=emb_logo
Source: ANN News