Events

Bagong Konsulado ng Nagoya

Nagoya, Mar 17 2019

Ibinunyag ni ACTS OFW rep. John Bertiz na magakakaroon na ng konsulado sa Nagoya. Ito ang siniguro ni Bertiz sa kanyang pag bisita sa Nagoya kamakailan kasama ang grupong Duterte kitchen sa Sakae na tinaguriang “little Manila” ng Nagoya. Ibinahagi din ni Bertiz ang nakaumang na batas na mapapadali na ang proseso ng recognition ng divorce ng mga pilipina sa kanilang mga asawang hapones na di na dadaan sa korte ng Pilipinas.

Ibinalita din ni Bertiz na awtomatikong miyembro na ng PhilHealth ang mga OFW sa ilalim ng Universal Health law na pinirmahan ng pangulong Rodrigo Duterte kamakailan lang.

By: Ariane May Venegas

Bagong Konsulado ng Nagoya
To Top