INIULAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagbubukas ng BI Nueva Ecija Field Office (BI-NEFO).
Ang bagong field office aniya ay bahagi ng bagong government center building na matatagpuan sa Business Hub at sentro ng pamahalaan ng Palayan, Nueva Ecija.
Binuksan noong 2017, ang Palayan City Business Hub (PCBH) ay isang tatlong hektaryang PEZA-accredited area na tahanan ng maraming government office, business processing office, educational institution, at isang hotel, na naglalayong magbigay ng oportunidad para sa mga lokal. Itinakda noong nakaraang taon bilang isang information technology park, na isang special economic zone.
“We are one with the Palayan City government and the Nueva Ecija province in their march to progress. We are bringing our services closer to the people to ensure the ease of doing business,” wika ni Morente.
Binanggit ni Morente ang iba pang mga tanggapan ng BI tulad ng Clark Field Office at Dagupan Field Office na may halos 60% average na pagtaas ng koleksyon sa 2018, na naniniwala siya na “mas nangangailangan ng serbisyo ng imigrasyon sa rehiyon.”
Ang NEFO ay magsisilbi sa mga kliyente mula sa Nueva Ecija at sa kalapit na lalawigan ng Aurora.
Sorce:ABANTE