Crime

Bagong silang na sanggol, natagpuan patay sa Gunma

Isang bangkay ng bagong silang bata ang nakitang naka abandona sa loob ng isang paper bag sa labas ng isang rest home sa Maebashi City Gunma Prefecture.

Ayon sa mga police, mga alas 5:30 ng umaga ng Lunes, isang empleyado ng nagdedeliver ng pagkain sa facility ang nakakita ng itim na paper bag malapit sa staff entrance. Ang walang buhay na bangkay na sanggol na ito ay walang nakitang suot na damit.

May nakatago din itong sulat; “Ako ay nanganak ng malusog na sanggol.  Ngunit gusto kong bigyan nyo siya ng memorial service dito.”

Hanggang ngayon pinaghahanap parin ng mga police ang ina ng sanggol upang arestohin at kasuhan ng “Corpse Abandonment.”

 

Bagong silang na sanggol, natagpuan patay sa Gunma
To Top