General

Bagyong “Jebi” sinasabing pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa nakalipas na 25 na taon

Ayon sa mga Weather officials inaasahan ang pagtama ng sinasabing pinakamalakas na bagyo sa nakalipas na 25 taon ngayong Martes sa pagitan ng Shikoku at Kii Peninsula sa western part ng Japan.

Ayon sa report ng Meteorological Agency namataan ang typhoon no. 21 o kilala sa international name na “Jebi’ ay nasa tinatayang 200Km northeast ng Minami Daito noong Lunes bandang hapon, at patuloy na kumikilos papuntang hilagang-kanluran sa bilis na 20km/h.

May atmospheric pressure ang super typhoon na ito na 940 hectopascals, at sinasabing ito na ang pinakalamalakas na bagyong tatama sa bansang Japan sa taon na ito.

Sa bilis na 160 km/h malapit sa gitna o mata ng bagyo, inaasahan na ang Supertyphoon Jebi ay mas lalo pang bibilis bago pa ito maglandfall ngayong Martes.

Nagbigay na ng babala ang mga Weather officials sa mga panganib na maaring idulot ng lakas ng hampas ng hangin ng bagyong ito sa bahagi ng silangan at kanluran habang papalapit ang bagyong ito ngayong martes, at inaasahan din na tumaas ang alon sa karagatan.

Pinapayuhan ng mga eksperto na lumikas na habang maaga pa ang mga nakatira sa bahaging madadaanan ng bagyo o di kaya ay maghanda sa paglikas at alamin ang mga pinakamalapit na evacuation shelters sa kani-kanilang lugar.

 

https://www.youtube.com/watch?v=qNXGlLmVIl0

Source: NHK, Youtube

Bagyong “Jebi” sinasabing pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa nakalipas na 25 na taon
To Top