INGAT SA PAGGAMIT NG CELL PHONE AT MICROWAVE
Ni Dr. Willie T. Ong (Paki-SHARE and TAG a friend)
MAY mga bagay sa ating paligid na akala natin ay safe gamitin, pero hindi naman pala. May mga lumalabas nang pagsusuri tungkol sa cell phones at microwave ovens. Paalala, hindi pa ito 100% kumpirmado, pero dapat na tayong mag-ingat sa paggamit nito:
Mag-ingat sa MICROWAVE OVEN:
Ayon sa isang pag-aaral, 90% ng mga Americano ay may “plastic” (kemikal na bisphenol A) na natuklasan sa kanilang ihi. Ang may mataas na lebel ng bisphenol A ay mas nagkakaroon ng sakit sa puso, diabetes at sira sa atay. Ang pinaghihinalaang dahilan nito ay ang mga plastic wrapper na ginagamit sa pag-microwave ng pagkain.
Ito ang mga payo na binigay ng Harvard Medical School:
(1) Hindi safe i-microwave ang mga distilled water bottle at mga plastic bottle sa supermarket.
(2) Tanggalin ang takip na plastic na nakabalot sa pagkain bago ito ilagay sa microwave.
(3) Huwag maglagay na kahit anumang plastic, papel o gamit sa ibabaw ng pagkain bago ito i-microwave.
(4) Ang mga microwave take-out dinner ay pang-isa-hang gamit lang. Huwag ulitin ang gamit.
(5) Tandaan: Gumamit lang ng “microwave-safe” ceramic at glass na lalagyan. Huwag ‘yung may melamine na plato!
(6) Para siguradong safe, initin ang pagkain sa kalan, oven o toaster. Mas-safe pa ito. Ang mga tips na ito ay para lang sa iyong pag-iingat.
CELL PHONE TIPS:
Ayon sa isang pagsusuri (Interphone Study), ang matagalang paggamit ng cellphone ay POSIBLENG makapagdulot ng brain tumor (bukol sa utak). Sa mga taong gumamit ng cell phone ng lampas 10 taon, mas marami ang nagkakaroon ng brain tumor (neuromas at kanser) sa lugar na madalas pinaggagamitan ng cell phone. Mayroong kasing signal o electromagnetic radiation ang cell phones.
Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni Dr. David Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh:
(1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang mga bata kaysa matanda.
(2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong cell phone o gumamit na lang ng ear phone.
(3) Huwag matulog na kasama ang cell phone. Isara at ilayo sa iyo.
(4) Limitahan sa 3 minuto lang ang pag-uusap sa cell phone.
(5) Ilipat-lipat ang paggamit sa cell phone. Minsan sa kanang tainga, minsan sa kaliwa.
(6) Mag-text na lang, para mas malayo ang cell phone sa utak natin.
(7) Huwag mag-cell phone kung mahina ang signal. Ito’y dahil kusang pinapalakas ng cell phone ang power niya para hindi mawala ang signal.
(8) Pumili ng cell phone model na mababa ang SAR o Specific absorption rate. Ito ang sukat ng magnetic field na makukuha ng ating katawan.
Good luck po!
For more Health Tips, Like Dr Liza Ong