Entertainment

Bakit lagi lang daw nakaupo si Mabini sa pelikulang “Heneral Luna”

mabini

Bakit nga ba nakaupo lang si Apolinario Mabini sa pelikulang Heneral Luna?

 

Usap-usapan ngayon sa Facebook ang komento ng magsyotang nakapanuod umano ng ng pelikulang “Heneral Luna”. Naging sentro ito ng atensyon dahil hindi mawari ng mga netizens kung sarcastic comment o sadyang nagmamaang-maangan lamang sila?

12004763_1120697757959379_8233803448305021033_nEto ang aktwal na twit sa isang Twitter account ng nakasaksi o nakarinig umano sa pangyayari. Dahilan upang gawing katatawanan at joke ng netizens. Basahin sa ibaba ang ibaba ang ilan sa mga “joketime” na ginawa nila..

Sino ang dapat sisisihin sa ganitong pangyayari? Sabi nila ang kabataan ang pagasa ng bayan pero kung ganito rin lang ang kabataan, paano na lang ang ating bayan?

May pag-asa pa ba? May koneksyon nga ba ang sobra-sobrang paggamit ng internet at social media na syang kinakabaliwan at mas binibigyang atensyon ng kabataan kaysa sa pag-aaral? O di kaya naman ay may kasalanan din ang mga paaralan dahil hindi sapat ang kanilang hinahandang curriculum para sa pandagdag kaalaman ng mga kabataan? Ayon sa ibang netizens, di lang dapat free Facebook ang gawin kundi dapat isama na din ang Free google, para hindi lang daw puro anila “kababawan” ang tinatangkilik at natututunan ng nakararami.

Heto ang pahayag ni Epy Quizon sa kanyang Facebook account, si Epy ang syang gumanap bilang Apolinario Mabini sa pelikula:epi-quizon-fb-post-mabini

Nakakatawa man ang mga ganitong pangyayari, sa kabila ng lahat. Hindi nakakatuwa ang ganitong senaryo. Dahil papaano uunlad ang ating bansa kung sa panahon ng pagsibol at pagragasa ng makabagong teknolohiya na sinasabing makakatulong upang mapagaan ang ating araw araw na buhay. Ang kapalit ay ang “mababaw na kaalaman” ng mga susunod na henerasyon dahil hindi naituturo ng tama ang dapat nilang matutunan tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa history ng ating mahal na bansang Pilipinas.

To Top