disaster

Bangkay ng Babae natagpuan sa isang ilog sa Kumamoto Prefecture

Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng isang babae ang natagpuan sa isang ilog sa Kumamoto Prefecture. Pinaniniwalaang ito ay nasa edad 78-anyos at maaaring naanod dahil sa malakas na pagulan noong ika-17. Ang bangkay ay natagpuan sa Midori River sa Misato Town, Kumamoto Prefecture bandang alas 10 ng ika-23 nang makita itong lumulutang sa ilog  ng isang pulis. Pinaghahanap ng mga pulis si Sumiko Sakamoto sa Yamato Town, Kumamoto Prefecture na hindi matukoy ang mga pinanggalingan simula ng umalis ito gamit ang sasakyan sa kasagsagan ng malakas na ulan noong ika-17. Ang lugar kung san natagpuan ang bangkay ay nasa 10km ang distansya mula sa lugar ng lupain ng biktima at dahil na rin sa mga ebidensya na kahalintulad nalang sa mga parte ng sasakyan na pagmamay-ari ni Sakamoto, ipinagpalagay ng mga pulis na ang labi ng bangkay ay si Sakamoto nga.

https://youtu.be/SY8ITTViQpk

Source: ANN NEWS

To Top