General

Basic application return form: Mga kailangan bago makakuha ng 10 Lapad na ayuda

Ipinaliwanag ng Minister of Internal Affairs and Communications Takaichi ang pamamaraan ng pantay na 100,000 yen cash na benipisyong matatanggap ng dahil sa epekto ng emergency state declaration sa patuloy na pagkalat ng coronavirus. Ang special fixed benefit na nagkakahalaga ng 100,000 yen ay maibibigay sa lahat ng mga tao na nakarehistro sa Basic Resident Register as of April 27. Tungkol sa aplikasyon ng pamamaraan, upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon at dagsa ng tao sa mga pasilidad na maaaring maging rason ng pagkakahawahan,matatanggap ang form sa mailbox sa ilalim ng pangalan ng nakatalagang householder at ibabalik sa munisipalidad sa pamamagitan ng mail kasama ang aplikasyon na ipinadala, iba pang kopya ng requirements na kailangang isumite, at ang my number card holder ay maaaring mag-aplay direkta online. Ang deadline ng aplikasyon ay sa loob ng 3 buwan mula sa pagsisimula ng pagtatanggap, at ang mga benepisyo ay ipapadala sa householder’s account. Tungkol sa oras ng pagbabayad, sinabi ng Minister of Internal Affairs and Communications Takaichi, “Sa palagay ko ang ilang mga lugar, tulad ng mga munisipalidad na may isang maliit na populasyon, ay makakatanggap ng mga benepisyo mula Mayo.”

Source: FNN Prime

To Top