Marami sa mga Pinoys at mga iba’t-lahi ang nagnanais na manirahan na sa Japan matapos ang mahabang panahon ng paninilbihan dito. Karamihan sa mga dayuhan na ito ay nagsasabing ang bansang Hapon ay may matatag na ekonomiya kumpara sa mga Third World countries tulad ng Pilipinas.
Kung nais mong manirahan sa Japan, ang article na ito ay maglalahad ng mga simple or basic guides or tips on how to live in Japan sa malapit na hinaharap. Tuklasin at inyong pag-aralan upang ang inyong kaalaman ay lalong lumago at mapagyaman bilang mahalagang bahagi ng inyong buong pagkatao at makulay na kultura.
Taxation at Status of Residence
Una sa lahat, ang bawat mamamayan ay dapat magbayad ng kaukulang buwis kahit na ang mga ito ay mga dayuhan. Ang tawag sa buwis na ito ay national taxes. Sakop nito ang mga sumusunod: income tax, sales tax, local tax at iba pa. Bilang pangkahalatang batas, para maging isang lehitimong residente ng Japan, ang isang mamamayan ay dapat may Status of Residence document.
Ang Status of Residence ay nakabatay sa iyong pakay kung bakit gusto mo na manirahan sa bansang ito. Samantala, ang uri ng iyong residence status at tagal ng iyong pamamalagi dito ay nakasaad sa iyong pasaporte. Ano naman ang Resident Registration at bakit ito lubhang kailangan sa iyong paninirahan sa Japan? Read on.
Resident Registration
Ang Resident Registration ng Japan ay may kaugnayan sa bago nilang sistema kung saan ang mga dayuhan ay bibigyan ng resident card. Ngunit ang legal issuance ng dokumentong ito ay may kaukulang mga restrictions. Kabilang sa mga ito ang tinatawag na diplomats, temporary visitors at ang mga taong gustong manatili dito na hindi hihigit sa tatlong buwan. Sa mga kabataang 16 years old ang edad, dapat lagi nilang taglay ang kanilang resident card.
Sa Japan, ang mga sanggol na dito isinilang ay kailangang mairehistro sa loob ng 14 days pagkasilang nito. Magtungo lamang sa pinakamalapit na municipal office sa inyong lugar. Kahit sila ay mga sanggol pa lamang, dapat mag file ang kanilang magulang ng Status of Residence. This must be done within thirty days. Ito ay isinasaggawa ng Regional Immigration Office. Gawin ito kung ang sanggol ay maninirahan sa Japan sa loob ng 60 days, pagkasilang nito.
Ilan lamang ang mga ito sa documentation processes ng bansang Hapon. Sa susunod na serye, alamin ang kanilang kultura, pangkaraniwang mga tradisyon at iba pa.
image credit: See-ming Lee from Flickr