Nagoya-Ang Nagoya Board of Education ay nagsimula ng isang pagsisiyasat sa pagkamatay ng isang 12-taong-gulang na batang lalaki nagsuicide umano sa pamamagitan ng pagtalon sa harap ng isang tren sa isang Nagoya subway station nitong nakaraang Linggo Nov. 1.
Isang suicide note ang natagpuan sa desk ng bata sa bahay ng kanyang magulang, kung saan sinabi niya na siya ay binubully umano sa paaralan, ayon sa iniulat sa Fuji TV. Ayon sa pulisya, ang batang lalaki na nagsuicide sa harap ng isang tren sa Shonai-dori Station sa line Tsurumai sa Nishi Ward bandang alas 04:00 ng Linggo ay agarang itinakbo sa pinakamalapit na ospital na kung saan siya ay binawian rin ng buhay makalipas ang 90 minuto.
Sa tala, isinulat ng batang lalaki na siya ay binubully sa paaralan at sa mga club activities sa kanilang paaralan. Sinabi niya din doon na ang iba pang mga kaklase nyang lalaki ay malimit na nagsasabi sa kanya na siya ay mahina. Sinabi niya na hindi na kaya pang tiisin ang kanilang ginagawa sa kanya kung kaya;t napagdesisyunan na lamang nyang wakasan ang sariling buhay. Ang batang lalaki ay isang miyembro ng school tennis club.
Ayon sa mga guro, ang bata ay kelanman hindi nag-absent sa kaniyang klase at napagalaman din na sya ay nagfill-up umano ng questionnaire sheet tungkol sa pagiging bullied pero ni minsan ay hindi umano dumulog sa mga guro upang hayagang maipaalam sa kanila ang kanyang pinagdadaraanan.