Isang batang lalaki (10) ang nakagat ng dalawng beses ng isang makamandag na ahas, isa sa daliri at isa sa kanang kamay sa lungsod ng Takarazuka sa Hyogo. Kahit nakagat na ang bata nakuha pa din nitong umuwi sa kanyang bahay. Walong oras bago ang pangyayari, tumawag ang nanay ng bata sa emergency hospital dahil ayaw tumigil ang pagdudugo ng sugat at lalong lumala ang kondisyon ng bata at panandalian itong nawalan ng malay.
Sinabi ng batang lalaki sa kanyang kaibigan na gusto niyang magkaroon ng alagan ahas kaya niya ito linapitan.
Pagkatapos suriin ng police, napag-alaman na ang ahas ay isang Asian tiger-snake (Rhabdophis tigrinus), na may haba na 60 cm.
Ayon sa mga espesyalista, ang Asian-tiger snake o mas kilala sa Japan na Yamakagashi, ay may malakas na kamandag sa Mamushi (Gloydius blomhoffii) at Habu (Protobothrops flavoviridis) na nakamamatay.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=I41n586eaRA