News

BATANG LALAKI NAHULOG SA RILES 

Noong ika-26th, sa Bubaigawara station sa Tokyo, isang 14-year-old na elementary school student ang nahulog sa riles ng train galing sa platform.

Pagkatapos mahulog ay saktong may papadating na express train sa station, biglaan namang nag preno ang driver at bumagal ang andar nito pero naabutan pa din ang bata at maswerte namang nakaligtas ito pagkatapos na mahiga ito ng flat sa pagitan ng space ng riles na may sukat 40 cm.

Ang company ng Keio Dentetsu ay nananawagan na mag ingat ang mga pasahero at huwag maglakad ng lagpas sa yellow line.

Source: ANN News

To Top