Iniulat ng Ministry of the Environment ng Japan na 88 katao ang inatake ng mga oso noong buwan lamang ng Oktubre, kung saan pito ang nasawi — ang pinakamataas na bilang para anumang buwan sa nakalipas na sampung taon.
Mula Abril hanggang katapusan ng Oktubre, nagtala ang mga awtoridad ng 12 nasawi at 184 sugatan sa mga engkwentro sa mga oso sa buong bansa.
Naitala ang mga insidente sa 21 sa 47 na prefecture ng Japan. Nanguna ang Akita na may 56 kaso, sinundan ng Iwate (34), Fukushima (20), Nagano (15) at Niigata (13).
Ikinumpara ng ministeryo ang mga bilang sa fiscal year 2023, kung kailan nagkaroon ng kaparehong pagdami ng pag-atake: 73 insidente noong Oktubre ng taong iyon, na may kabuuang 219 biktima, kabilang ang anim na nasawi.
Noong Nobyembre 2023, 30 katao ang nasugatan at walang naiulat na pagkamatay. Gayunpaman, ayon sa datos ng NHK, hindi bababa sa 27 pag-atake ang naitala na ngayong buwan, kung saan isang pagkamatay ang nakumpirma.