Bear invades school in Takizawa

Isang oso ang pumasok sa Ichibongi Junior High School sa Takizawa, Iwate Prefecture, Japan, noong umaga ng Agosto 18. Bagama’t may ilang estudyante sa gusali, wala ni isang nasaktan dahil sa matapang na aksyon ng vice-principal na si Nobu Ito, na pumagitna sa pagitan ng hayop at ng mga mag-aaral.
Ayon sa mga kuha ng CCTV, ang batang oso, na mas mababa sa isang metro ang haba, ay pumasok sa pintuang pang-emerhensiya ng gymnasium na nakabukas para sa bentilasyon. Nang makita ang banta, inutusan ng vice-principal ang limang estudyanteng naroon na magtago at nanatili sa harap ng hayop hanggang sa ito’y muling lumabas sa parehong daan.
Nangyari ang insidente habang may ginaganap na practice sa athletics sa bakasyon ng tag-init. Matapos ang pangyayari, ipinahinto ng paaralan ang lahat ng aktibidad at ipinasundo ang mga estudyante sa kanilang mga magulang. Walang tao o ari-arian ang nadamay.
Ayon sa pamunuan, mananatiling nakasara ang lahat ng bintana at pintuan hanggang sa muling pagbabalik ng klase upang maiwasan ang karagdagang insidente. Sinabi ni Ito na paiigtingin pa ang pagbabantay at pangangalaga para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Source: FNN Prime Online
