Isang pagdiriwang ang naganap sa prefektura ng Kanagawa , Hakone Theme Park, noong ikalabing isa ng Nobyembre.
Ipinagdiwang ng mga wine lovers ng Japan ang unang labas ng Beaujolais Nouveau na alak sa taong ito, sa pamamagitan ng pagbabad ng kanilang sarili sa isang hot spring na may halong French wine.
Sinasabing kasama sa pagdiriwang ang pagbubuhos at pagbababad ng alak sa kanilang katawan habang iniinom at ninanamnam ang masarap, sariwa at maprutas na alak. Ang pagsasayang ito ay tatlong beses sa isang araw at mananatili hanggang ikatatlumpu ng buwan ng Nobyembre.
Ang Beaujolais Nouveau ay pinakatanyag o popular na ini-export at kilala bilang malasa, at makulay na maprutas na alak. Ang ibat-ibang flavor ng alak na ito ay banana, grape, raspberry, strawberry, cherry, fig, at pear drop. Ito ay kinakailangan na bahagyang pinalamig sa 13 Celsius (15 Fahrenheit) at inilaan para sa agarang pag-inom pero ang ilan ay nagtatagal ng mga ilang taon. Maraming producers ang nagrelease ng alak na ito na may makulay at abstract na disenyo na nagbabago o paiba iba taon taon.
Para sa karagdagang kaalaman ang Beaujolais Nouveau ay naging national event sa Pra Sya simula noong 1970s, Europa 1980s, sumunod ang Hilagang Amerika at Asia noong 1990s. Ang alak na ito ay gawa sa Gamay na ubas na may manipis na balat at ito ay mababa sa tannins, at matatagpuan sa Beaujolais, isang sikat na rehiyon ng France.
Mahigit isang daang festivals ang ipinagdiriwang ng mga Pranses ngunit ang pagdiriwang sa Japan ay walang katulad at kakaiba.