Culture

The Beauty of Japan’s Blue Flowers

Japan’s Blue Flowers

Ang turismo ng Japan ay lumilikha na naman ng ingay at bagong marka sa kasaysayan na tiyak na kalulugdan ng bawat turista. Ito ay sa pamamagitan ng mga blue flowers. Matatagpuan ang kariktan nito sa Hitachi Seaside Park.

Japan’s Blue Flowers and More

Sinasabing ang kabuuang annual bloom ng mga blue flowers ng Japan ay 4.5 million. Namumukadkad ang mga mababango at mayuyuming bulaklak na sa buwan ng Abril, ayon sa mga tanyag na botanists.

Nemophila Harmony ang karampatang itinawag sa tuluyang pamumukadkad ng blue flowers ng Japan tuwing spring season. Nemophila ang scientific name ng mga baby blue eyes flowers.

May malalim na kahulugan ang isa sa mga pinakamahirap matagpuang bulaklak sa buong mundo. Una, ang mga kulay ng mga likas na yamang ito ay sumisimbolo sa isang positibong pananaw sa buhay matapos dumaan sa isang bagyo ng buhay. Higit sa lahat, ang ating pagkatao ay maihahalintulad sa isang bulaklak na umaapaw sa kaligayahan sa oras na magbunga na ang ating lahat ng paghihirap at pagpupunyagi para sa isang magandang kinabukasan.

Maririkit at nakapagpapagaan ng pakiramdam ang mga sari-sari pang mga blooms na namumukadkad buong taon bukod sa mga blue flowers. Nakakita ka na ba ng 170 uri ng tulips or ng milyong daffodils? Ang mga mala-paraisong ganda ng mga kakaibang bulaklak na ito ay dito mo lang maaaring makikita.

Hitachi Seaside Park

hitachi-seaside-park

Bukod sa mga bulaklak, ang Hitachi Seaside Park ay mayroon ring mga cycling trails at isang maliit na amusement park. Ito ay may kabuuang sukat na 470 acres o 190 hectares.

Ang maalindog na tourist attraction na ito ay nasa coast ng Ibaraki Prefecture. Kung nais ninyong magtungo rito, kayo ay humigit kumulang bibiyahe ng dalawang oras buhat sa hilagang bahagi ng Tokyo. Ang Seaside Park ay maaaring bisitahin tuwing 9:30 ng umaga araw-araw at nagsasara naman ito sa pagitan ng 4:30 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

[wpme-gmap address=”国営ひたち海浜公園” height=”300px” width=”100%”]

 

Images from www.thisiscolossal.com and Google Maps

To Top