Entertainment

BECKY: I’M BACK

TOKYO – Opisyal nang nakabalik sa industriya ng showbiz si “Becky” matapos siyang ma-banned mula noong Enero. Dahil ito sa pagkakaroon niya ng relasyon sa musician na si Enon Kawatani.

Ang 32 taong gulang na artista na si Becky ay opisyal nang nakabalik sa industriya. Binati ng aktress ang mga audience ng “Full Chorus-Music is Full Chorus” na napapailabas sa cable channel BBS Skyperfect TV. Humingi ang aktres ng paumanhin sa nangyaring eskandalo at nangakong gagawin ang kanyang “best”. Binati naman ng audience si Becky ng “Welcome Back” at sinagot niya ito ng “Tadaima” o I’m Back.

Sa pagtatapos ng programa, naipost pa ni Becky sa kanyang official instagram account na, “I’ve restarted my career, I’m also back on Instagram.”

Nagkaroon ng relasyon si Becky at si Kawatani na napabalita noong Enero sa Shukan Bunshun Magazine. Naipakita doon ang mga “intimate” na litrato nang dalawa at sinasabing may pribadong komunikasyon.  Naireport na nag-umpisang mag-date ang dalawa noong Nobyembre, ilang buwan lamang matapos magpakasal ni Kawatani.

Ang eskandalo na nangyari kay Becky ay unang nangyari sa mahaba niyang karera sa showbiz sa Japan. Sa nangyaring yon, nawalan siya ng mga sponsors at napilitan siyang umalis pansamantala sa industriya.

Ayon sa balita, tinapos na ni Becky at Kawatani ang kanilang relasyon matapos kumalat ang eskandalo. Samantalang si Kawatani ay inanunsiyong nakipag-deborsyo na nitong Mayo lamang at pinost niya sa kanyang opisyal na blog site.

SOURCE: Japan Today

#Japinoy #Japinonet

To Top