Food

Mga Benepisyo ng Tofu sa Kalusugan

Ang Tofu ay nagtataglay ng sari-saring nutrisyon na nakakabuti para sa isang tao at sa kalusugan nito. Ano nga ba ang Tofu?

 

Ang tofu ay gawa mula sa nabuong gatas ng pressed soybeans. Mayroon itong gelatin texture at walang taglay na sariling lasa. Ang tatlong klase ng tof na maaari mong makita sa mga supermarket ay: Firm, soft, at silken tofu.

 

Ang firm tofu ay mayroong solid texture at nagtatagalay ng mataas na fat content. Ang tofu na ito ay magandang gamitin sa grill at baking.

Ang soft tofu ay mayrong malambot na texture kumpara sa firm tofu at mas mababa ang fat content. Ang klase ng tofu na ito ay magandang alternatibo sa itlog at creamy cheese gaya ng ricotta at cottage cheese.

Samantala, ang silken tofu ay mayroong mas creamier na texture kumpara sa soft tofu at maaaring magpakapal ng smoothie at soup, maaari itong pamalit sa mayonnaise. Sa Japan, ito ay kadalasang hinahaing plain ay nilalagyan lamang ng soy sauce.
Alinman sa mga uri ng tofu na ito ay nagtataglay ng mnapakabuting benepisyo para sa inyong pangangatawan at kalusugan.

 

NUTRISYON NA MAKUKUHA SA PAGKAIN NG TOFU

 

Ang soy ay kumpleto sa walong essential amino acids na kinokonsiderang pinakakumpletong pagkain para sa inyong kalusugan, Ang tofu ay protina, ito ang kadalasang kapalit ng mga meat para sa mga “vegetarians”.  Ayon sa World’s Healthiest Foods, ang 4-ounce block ng tofu ay mayroong 9.16 grams g protein.

 

Iron, copper, and manganese: Ang Iron ay matatagpuan sa lahat ng klase ng pagkain at mga dietary supplements, ito ang sumusuporta sa metabolism ng katawan. Ang copper, ay isang mineral na napakahalaga sa survival ng isang tao, ito ay nattagpuan sa atay, utak, puso, kidneys at skeletal muscles. Ito ay tumutulong sa pagbuo ng collagen at pag absorb ng iron at may malaking tulong sa energy production ng katawan. Ang manganese ay tumutulong sa pagmaintain ng calcium sa katawan, Maaari itong panlaban sa rayuma.

Calcium: ang calcium ay napakabuti para sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin.

Omega 3: ito ay napakabuti sa paglaban sa depresyon at anxiety, maganda rin ito sa mga mata, early life development at pagbubuntis, at panlaban rin sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease sa mga mayroong edad. Para naman sa mga may allergy sa isda at seafoods, ang tofu ay mayaman sa omega 3 at maari itong pamalit sa mga pagkaing ito. Ang omega 3 ay panlaban rin sa pagbabara ng puso.

Selenium: ito ay panlaban sa cancer, infertility para sa mga kalalakihan, hypothyroidism, depression at immune system.

 

Ang soy ay mayrong Isoflovones na maaaring makatulong sa mga kababaihan na nakakaranas na ng menopause, binabawasan nito ang mga symptomas gaya ng hot flashes o halintulad ng lagnat sa mga nag memenopause. Ito rin ay nakakapagpababa ng tsansang magkaroon ng breast at prostate cancer. Nakakapagpababa rin ng bad cholesterol o LDL at nakakapagpataas ng good cholesterol o HDL sa katawan.

 

MAYROON BANG NEGATIBONG EPEKTO ANG PAGKAIN NG TOFU?

 

Sabi nga nila “Too much of anything is never good for you.” kabilang ang tofu. Sa dinami-dami ng magagandang bnepisyo nito sa kalusugan ng tao, mayroon ding negatibong epekto ito. Ang mga isoflovones na maaaring makapagpababa ng LDL at tsansa ng cancer sa katawan ay maaaring makasama rin kung sosobra ito.

 

Ang isoflovones na tumutulong sa pagkakaroon ng estrogen ay maaaring makaapekto sa thyroid at magkaroon ng malfunction. Ayon sap ag-aaral, ang pagsobra ng soy sa katawan ay maaaring rumesulta sa pagkakaroon ng reproductive issues sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang soy ay maaaring makapagpababa ng tsansang magkaroon ng breast cancer, ayon sa mga panunuri, ang sobrang pagkain nito ay maaaring magdulot ng magang development ng breast cancer.

 

Ang mga masamang epektong ito ay lumalabas lamang kapag nagkakaroon ng sobrang pagkain ng mga produktong ito. Importante na isaisip na ang sobrang intake ng mga bagay bagay ay hindi rin nakakabuti para sa kalusugan. Ngunit dapat nating malaman na ang pagkain ng tofu ay mabuti para sa suporta sa regular diet at napakaraming nutrisyon na nkakabuti ito para sa ating kalusugan.

 

Source: SymptomFind, wiki

 

 

 

 

To Top