General

Ano nga ba ang Benepisyo ng “Yogurt ” sa Ating Kalusugan?

Ang yoghurt o “yogurt” ay isang dairy product na gawa mula sa binuro o binulok na gatas. Ito ay maaaring nakakawalang ganang pakinggan sapagkat kapag sinabing binulok, ang ibig sabihin mayroong bacteria o madumi. Ngunit para sa nakararami, ito na marahil ang isa sa pinakamasarap na pang-almusal, meryenda at panghimagas. Isa ito sa pinaka-popular na pagkain para sa mga nagpapapayat. Hindi lamang ito nakakabawas ng timbang, ito rin ay napakaganda sa kalusugan at mayaman sa bitamina.

 

#1. Bitamina

 

Ang yogurt ay mayaman sa bitamina. Ang isang serving ng yogurt ay nagtataglay ng potassium; na nakakatulong sa mga may high blood at stroke, phosphorus; na nakakapagpatibay ng mga buto at ngipin, riboflavin; na nakakatulong sa migraine, pulikat at blood disorders, iodine; para maiwasan ang goiter at skin diseases, zinc; nakakabuti para sa may osteoporosis, rayuma at male infertility, vitamin B5 (Pantothenic Acid); natural remedy para sa acne, alcoholism, allergies, asthma at anxiety, vitamin B12; nakakatulong sa memory loss, Alzheimer’s disease,  sakit sa puso, sleeping disorders, depresyon, vitiligo at eczema. Ito ay nagtataglay rin ng vitamin A; na mahalaga para sa pagkalinaw ng paningin, at vitamin E; para sa immune system.

 

#2. Pagbaba ng Timbang

 

Ayon sa pa-aaral ng nutrition professor na si Dr. Michael Zemel, ang yogurt ay nakakatulong sa pagpapatatag ng mga muscles at tinutulungan nitong matunaw ang calories. Ang 18 ounces na yogurt sa pang-araw araw na diet ng isang tao ay makakatulong sa pagbabawas ng “belly fat”. Ang calcium na tinatanggap ng katawan mula sa yogurt ay nakakatulong sa pagtunaw ng taba at iniiwasan na maiwan ito sa katawan.

 

#3. Good Bacteria

 

Ang salitang “bacteria” sa kaalaman ng nakararami ay hindi nakakabuti sa kalusugan. Ang yogurt ay nagtataglay ng “good” bacteria. Ito ay mayroong probiotics o microorganisms nanakakatulong sa katawan ng tao o hayop. Ito ay natatagpuan sa digestive system at nakakapagpalakas ng immune system ng isan indibidwal.

 

#4. Blood Pressure

 

Ayon sa isang pagsusuri, ang regular na pagkain at pagkonsumo ng dairy products ay nakakatulong sa pagbaba ng tsansang magkaroon ng high blood pressure. Ayon kay Dr. Alvaro Alonso, isang mananaliksik sa departamento ng Epidemiology sa Harvard School of Public Health, mayroong 50% na pagbaba sa bilang ng may high blood pressure sa mga indibidwal na kumakain ng 2-3 servings ng low-fat dairy products kada araw, kumpara sa walang kinakaing dairy products.

 

#5. Pagkabusog

 

Ayon sa pag-aaral sa University of Washington, Seattle, isang “hunger test” ang isinagawa. Ang mga sinuring iba’t ibang uri ng snacks ay yogurt, peach flavored beverage at peach juice. Ang mga nagkonsumo ng yogurt products ang mas higit na nakakaramdam ng pagkabusog kumpara sa ibang snacks. Napatunayan na ang mga pagkaing mayaman sa protina, katulad na lamang ng yogurt, ang mas nakakabusog kumpara sa mga pagkaing walang protina.

 

#6. Muscle Recovery

 

Ang yogurt ay isa sa pinakamagandang snack pagkatapos mag ehersisyo o work out, lalo na ang Greek yogurt. Ang Greek yogurt ay naglalaman ng mataas na protina. Ang protina ay nagbibigay ng amino acids sa katawan upang maayos at mapalakas ang muscles. Ang carbohydrates naman na matatagpuan sa yogurt ay nakakatulong sa pagpalit ng muscle energy na nagamit matapos ang mahabang ehersisyo o work out.

 

#7. Calcium

 

Ang calcium ay kinakailangan para sa matibay na mga buto at ngipin. Gayunpaman, marami parin ang nagkukulang sa pagkonsumo ng calcium. Kapag ang katawan ay hindi nakkatanggap ng sapat na calcium para sa regular na diet, maaari nitong agawin ang calcium na pag-aari na ng ating mga buto. Ang yogurt ay mayaman sa calcium, mayroong partikular na yogurt products na naglalaman ng doble pa sa kalahati ng calcium na sapat para sa isang serving.

 

#8. Lactose Intolerant

 

Isa sa dapat matutunan ng “yogurt eaters” ay ang pagbabasa ng labels sa containers nito. Mayroong linyang: “Live and active culture.” Ano ng aba ito?

 

Lactobacillus bulgaricus and Streptococcus thermophilus” ang “live and active cultures” na idinaragdag sa gatas upang makabuo ng yogurt sa produksyon nito. Ito ay nakakatulong sa pag tunaw ng lactose at binibigyan ng karapatan ang mga lactose intolerance na ma-enjoy ang mga dairy products ng hindi nakakaranas ng diarrhea o iba pang kondisyon sa tsan.

 

Ang mga benepisyo ng yogurt ay maaaring magpabago bago di pende sa klase o uri ng yogurt na kinokonsumo ng isang indibidwal. Para sa mga gustong magbawas ng timbang at idagdag ang yogurt sa kanilang regular na diet, maaaring humanap ng angkop at wastong produkto na babagay sa dietary needs. Ang mga bagay na dapat isa-alang-alang sa pagpili ng yogurt ay ang “calories”, “fat”, at “sugar” contents.

 

 

To Top