Beteranong Japanese actor na si Ken Shimura pumanaw na
Ang beteranong komedyante na si Ken Shimura na nagpositibo sa coronavirus noong nakaraang lunes March 23 ay pumanaw na kagabi March 29 sa edad na 70, sinabi ng kanyang ahente noong Miyerkules, na siya ang kauna-unahang entertainment figure sa Japan na ibinahagi sa publiko ang kanilang kondisyon matapos magpositibo sa new coronavirus.
Ang 70-taong-gulang na si Shimura, na kilala sa pagganap bilang sikat na character na kabilang sa “Baka Tonosama”, na nangangahulugang “stupid lord”, at Henna Ojisan, “strange uncle”, na pawang mga palabas sa TV. Siya ay nakatakdang magsimulang magtrabaho noong Abril sa isang pelikula batay sa isang libro.
Si Shimura ay naospital noong March 20 matapos na magkaroon ng lagnat at nasuri na may malubhang pneumonia, ayon sa ahensya. Lumabas ang resulta ng virus test sa kanya at siya ay nagpositibo para sa COVID-19 noong Lunes March 23.
Kinikilala ng ahensya ang mga taong naging malapit o nakasalamuha ng aktor sa mula March 17, nang una niyang sinimulan ang pagpapakita ng mga sintomas, at Marso 20, bago siya masuri ng isang doktor.
https://youtu.be/K_MNxh1lkLg
Source: ANN News