General

BEWARE ON DOWNLOADING PIRATED POKEMON GO APP!

Kakarelease pa lamang sa Japan ng pinagkakaguluhang app game na PokemonGo pero mabilis talaga ang mga pirata at nakuha na nilang makadevelop ng katulad ng original application for download. Ang naturang “pirated” app ay malayang nakakakopya ng inyong mga data sa mobile phones pati na ang laman ng inyong phonebook, maging ang inyong eksaktong lokasyon. Ikinumpara ang 2 application para malaman ag pagkakaiba, ngunit ayon sa mga eksperto. Kahit saang anggulo mo tignan ang 2 app ay magkapareho maging sa disenyo at gamit na logo. Kung kaya’t naglabas ng mga babala at paalala na magdownload lamang sa official site ng game upang makasiguro at para na rin sa seguridad ng users nito.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top