Culture

Bilang ng mga may Influenza sa bansa patuloy na tumataas!

Ang bilang ng mga pasyente na may trangkaso ay 1.635 milyon na, 3 beses na mas mataas kaysa sa nakaraang linggo.
Ang ganitong bilang ay maituturing na isa ng epidemya dahil sa mabilis na pagkalat nito.

Mula noong ika-13 ng Enero ang bilang ay mabilis na tumaas sa 1.365 milyong katao ang bilang ng mga pasyente na may trangkaso sa bansa, katumbas ng halos triple ayon sa centers for infectious disease research na inihayag noong biyernes (ika-18 ng Enero) . Kumpara sa nakaraang linggo, na kung saan ay nasa 580,000 pa lamang ang apektado. Ito ay isang epidemya na naituturing nilang ” aggressive” dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga apektado sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa 5,000 Points of the Country’s Medical Institutions, Ang Average na bilang ng pasyente bawat lugar ay nasa 38.54. Mataas para sa palugit na normal average count na 30 per site kung kaya’t ang bilang ngayong taon na ito para sa mga pasyente ng Influenza ay nasa ALERT LEVEL na.

Nakita sa report na ang may pinakamataas na report ng bilang sa bansa ng mga may pasyente ng influenza ay ang AICHI PROVINCE sumunod ang Kumamoto (58.79), Gifu (53.94) at Shizuoka (52.22).

Ayon pa sa center ang pinakamalaking bilang ng grupo ng mga edad na apektado ay nasa 60 pataas na may 64% ng total population ng mga pasyente samantalang 23% naman ang kinabibilangan ng mga batang may edad hanggang 10.

 

Ngayong taon na ito, ang total bilang ng mga tinamaan ng influenza ay umakyat sa 3.2 Million kung kaya’t hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na maging maingat at iwasang makahawa o mahawa sa mga taong nakakasalamuha sa araw-araw upang di na madagdagan ang bilang ng mga pasyente.

Source: portal mie ctto

 

To Top