Culture

Black Nazarene Feast: Paano ba Ito Nagsimula?

Black Nazarene Feast

Sa tuwing sasapit ang petsang Enero 9 kada taon, sino ba sa atin ang hindi nakaaalala na ito ay isa  sa mga pinakamahalagang araw sa buhay ng mga Katoliko, di lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig?  Ang pamosong Black Nazarene Feast ay nagsimula noong ang imahen o estatwa ng Poong Hesus Nazareno ay dalhin sa Manila ng mga unang pangkat ng Augustinian Recollect friars noong ika-31 ng Mayo 1606. Ang mapagpalang rebultong ito ay matatagpuan noong mga panahong iyon sa First Recollect Church sa Bagumbayan, na itinayo noon pang Setyembre 10, 1606. Matapos nito, ito ay inilagak sa pangangalaga ng Patronage of Saint John the Baptist.

Matapos ang dalawang taon, ang Black Nazarene ay muling inilipat sa pangalawa at mas malaking  Recollect Church, bilang isang paraan ng pagiging matapat na mga tagasunod ni San Nicolas de Tolentino. Samantala, ang Recollect friars ang nagsilbing tagapagpalaganap ng debosyon sa Poong Nazareno na siyang magpapaalala sa paghihirap ng isang mapag-adyang Suffering Lord. Ito ay tumagal sa loob ng ikalabinlimang taon.

Sa taong 1787, ang Arsobispo ng Manila na si Basilio  Sancho de Santas Junta y Rufina ay nag-utos na ilipat ang Black Nazarene sa Simbahan ng Quiapo. Ito ay nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng Saint John the Baptist Church.

 

Mga Natatanging Himala

Sa paglipas ng mahabang panahon, marami ng mga nakakgulat na himala ang Black Nazarene sa mga taong lubos na nanalig sa kanya. Kabilang sa mga himalang ito ay ang pagkakaligtas ng Black Nazarene image mula sa sunog na tumupok sa simbahan ng Quiapo noong mga taong 1729 at 1929. At ang pinakatanyag  sa lahat, ay ang  mga lindol  noong 1645 at 1863.

Bilang isang Katoliko, ang Black Nazarene Feast ay nagpapahiwatig na sa bawat krus na ating pasan araw-araw ay may mga  ginhawang nakalaan para ating lahat sa tamang panahon. 

image credit: Marc Reil Gepaya/Flickr

To Top