Crime

BOMB THREAT sa Sompo Japan office

9:40 AM July 27, isang “bomb threat” ang natanggap ng branch office ng Sompo Japan Insurance Company sa Kitakyushu City, Fukuoka Prefecture. Isang lalaking unknown caller ang tumawag para sabihing “naglagay kami ng bomba” sa Sompo Japan.

Dumating kaagad ang mga pulis para magsiyasat pero wala silang nakitang bomba. Maaaring obstruction of business ang motiba nito, ayon sa pulisya.

May kinalaman maaari ito sa pagkakaalam ng Sompo Japan sa posibilidad ng fraudulent insurance claims ng Big Motor (isang kilalang used car sales company) dahil isang employee ng Big Motors ay na-transfer sa Sompo Japan. Ngunit ang report ng company sa Financial Services Agency ng Japan ay wala namang (illegal) instructions na ibinigay ng plant manager ng Big Motors ukol sa insurance claims.
Source: Yahoo Japan News
Link:https://news.yahoo.co.jp/articles/2a92debc2e1d76b196946d6f52b7881df23be45e

To Top