DUTERTE: MALAPIT NANG MAGKAROON NG PHILIPPINE CONSULATE GENERAL OFFICE IN NAGOYA
Sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte sa Bangkok noong November 4 sa pakikipagusap niya kay Prime Minister Abe Shinzo ng Japan na magbubukas na ng Philippine Consulate General sa Nagoya. Sinabi rin ng isa sa mga nakakaalam na sigurado na ang lugar na paglalagayan ng bagong konsulado. Hindi pa man alam ang exact na petsa ng pagbukas, sinasabi na maaaring sa loob ng 2019 o sa pagpasok ng 2020 magsisimula ang bagong konsulado. Kasama na sa pag-issue ng passport at visa, pwede ring daw mag-process ng certificate ng kasal at iba pa sa bagong konsulado. Mahigit kumulang sa 57,000 Filipino residents galing sa Aichi-ken, Gifu-ken, at Mie-ken ang seserbisyuhan ng bagong konsuldao. Hindi na sila mangangailangan na magpunta sa Osaka para anumang application magmula ngayon. Ang pagtatayo ng Philippine Consulate General sa NAGOYA ay dahil sa matinding pag-request ng mga tao dito sa area na ito.
Source: Japino.net