Culture

A Brief Historical Profile of Philippine Invasion by Japan Part 1

Philippine Invasion by Japan

Philippine Invasion by Japan

Ang pagsakop ng Japan sa Pilipinas ay nagbunga ng malalim na sugat sa kasaysayan ng bawat isang bansa at sa tinatawag na cultural ideologies nila. Japanese Occupation ang nakagisnang terminolohiya para dito ng mga kabataan sa kasalukyang panahon. Ito ay nagsimula noong 1942 hanggang 1945 nang sakupin ng pamahalaang Hapones ang Philippine government sa kasagsagan ng Second World War. Nagsimula ang bangungot  na ito noong Disyembre 8, 1941, matapos na walang awang atakihin ang Pearl Harbor. Sa mga makukulay na pahina ng kasaysayan ng Pilipinas, ang pananakop ng Hapones ay tumagal  ng tatlong taon.

Philippines and the U.S.

Dahil sa pangyayaring ito, ang Pilipinas ay naglunsad ng isang malakas at matatag na guerrilla campaign na siyang susupil at lulupig sa bansang Hapon noong mga panahong iyon. Sa katunayan, halos 60 porsiyento ng magagandang isla sa Pilipinas ay kontrolado ng mga Filipino authorities. Samantala, si Gen. Douglas MacArthur naman ang namahala at tumulong sa mga sundalong Filipino upang matugunan ang mga sari-saring suliranin ukol sa mga makabagong submarines at iba pang mga kagamitang pandigma. Bagama’t tuluyan din lang nasakop ang Pilipinas, nanatiling tapat ang bansa sa mga Amerikano dahil sa pangako nito ng pagtulong para sa kalayaan ng Pinas.

Kaya naman, bumalik si Heneral MacArthur noong October 20,1944.  Si Mac Arthur at ang kanyang war troops ay gumawa ng di malilimutang historical landing sa isla ng Leyte. Ang war entourage ni Mac Arthur ay binubuo ng 700 vessels at 174,000 na mga tauhan na nakahandang lumaban at mamatay upang muling mabawi ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapon. Noong Japanese Occupation, marami ang nagbuwis ng buhay dahil sa tinaguriang suicidal defense tactics ng mga Japanese. Tinatayang 500,000 hanggang 1,000,000 ang nasawi matapos ang halos tatlong taon ng pananakop sa marilag na Pearl of the Orient.

Anu- ano nga ba ang mga naganap na mga pagbabago sa panahon at katapusan ng Japanese Occupation sa Pilipinas. Abangan sa susunod na serye.

Image source: http://www.slideshare.net/kasaysaysan4kids/the-japanese-occupation

To Top