Taxi driver iimbestigahan ng ‘laglag-bala’ matapos mabuking ng kaniyang pasahero at maireport sa mga awtoridad.
Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang taxi driver na maaring sangkot sa pagtatanim ng bala sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, padadalhan nila ng sulat para pagpaliwanagin ang driver at operator ng Vigil taxi na may plate number na UVK 190.
Sa Facebook post ng isang Julius Niel Habana, isang kaibigan niya na seaman ang sumakay sa Vigil taxi noong October 29 patungo ng NAIA.
Nagprisinta ang driver na buhatin ang kaniyang bag at inilagay sa compartment ng taxi pero kaagad na napansin ng pasahero na may inilagay ang driver sa bag ng biktima.
Sa halip na tumuloy sa airport ay dumiretso ang kanyang kaibigan sa boarding house niya at dito na pinabuksan ang bag at nakita ang bala ng isang caliber .38 at Nang sitahin nila ang driver hinggil sa pangyayari at kung papano nagkaroon ng bala sa bagahe ay ito pa aniya ang galit at matapang.
Dahil mahuhuli na sa flight aniya ang seaman ay hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at humanap na lang ng ibang taxi ang ang kaibigan na lang umano nito ang nagpresentang magtutuloy ng reklamo sa mga awtoridad.
Sinabi ni Ginez na nais nilang siyasatin ang alegasyon sa pagtatanim ng bala ng isang driver upang matiyak kung totoo nga ba ang mga kumakalat na bali-balita hinggil umano sa sindikato sa likod ng laglag-bala modus sa NAIA.
Sa ngayon, ayaw pang sabihin ng LTFRB na posibleng umabot na sa sektor ng transportasyon ang ‘laglag bala’.
Mas makabubuti raw na imbestigahan muna ang isyu at papanagutin ang mga taxi driver at operator na masasangkot dito.
Kaya pinagiingat ang lahat sa mga pangyayaring tulad nito mangyari po lamang na maging alerto tayo at alisto sa lahat ng oras. Mangyari po lamang na wag ipahawak basta basta kung kani-kanino ang mga bagahe para iwas sa mga tulad nitong insidente.
Samantala heto naman ang Tips kung sakali man na maharap kayo sa sitwasyong ganito:
source: (Yahoo, Radyo Inquirer)
You must be logged in to post a comment.