BUREAU OF IMMIGRATION HINDI PAPAYAGAN ANG MGA NON-COMPLIANT FILIPINOS NA MAKALABAS NG BANSA
By
Posted on
BUREAU OF IMMIGRATION HINDI PAPAYAGAN ANG MGA NON-COMPLIANT FILIPINOS NA MAKALABAS NG BANSA
Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipino na nagbabalak na mag-abroad upang ganap na sumunod sa mga kinakailangan na ipinataw ng gobyerno na pahintulutan na umalis sa bansa.
Kasama sa mga kinakailangang ito ang paglalahad ng confirmed return ticket para sa mga traveling on tourist visas; adequate travel and health insurance to cover rebooking; at accommodation expenses kung mai-stranded at hospitalization kung nahawaan.
Binigyang diin ng Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na walang sinumang mai-exempt sa pagsunod sa mga kondisyon na ipinataw sa lahat ng mga papalabas na Pilipino maliban kung sila ay permanenteng residente, overseas Filipino workers (OFWs), at may hawak ng visa sa pag-aaral sa kanilang bansang pupuntahan.
“Kami ay magiging mahigpit na makita sa mga ito na ang mga kinakailangang ito ay ganap na sinunod, kung hindi, hindi namin papayagan silang umalis,” ayon kay Morente
Ayon kay Bureau of Immigration port Chief Grifton Medina, ang mga tauhan ng BI sa mga international port ay naatasan na mahigpit na ipatupad ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga kinakailangan para sa outbound Filipino travelers.
Sinabi pa ni Medina na mahalaga din sa mga manlalakbay na alamin kung ang bansa na kanyang patutunguhan ay hindi nagpapataw ng mga paghihigpit sa pagpasok ng mga Pilipino upang maiwasan na maipabalik sa Maynila.
“Kinakailangan din silang mag-sign, sa pamamagitan ng kanilang mga airlines, isang deklarasyon na kinikilala ang mga panganib na kasangkot sa kanilang paglalakbay. Ipapaalam sa kanila na sa kanilang pagbabalik, sila ay susuriin para sa COVID-19 at sumailalim sa hotel quarantine,” dagdag ni Medina.
Iginiit pa niya na maging ang mga pasahero na sumusunod sa mga kinakailangan ay sasailalim pa rin sa mahigpit na inspeksyon upang matiyak na hindi sila biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
KABATAAN AT MATATANDA, PINAPAYUHAN NA IWASAN ANG PAGLAHOK SA GO TO TRAVEL CAMPAIGN
Nagdulot ng kalituhan sa publiko ang pahayag ni Tourism Minister Kazuyoshi Akaba na hinihikayat ang mga kabataan at mga matatanda na huwag lumahok sa mga group tours ng Go To Travel Campaign dahil maaari silang makahawa o mahawaan ng corona virus.
Ang rekomendasyon na ito ni Akaba ay lalong nagdulot ng kalituhan sa mga mamamayan na kung sino ang karapat-dapat sa programa ng gobyerno na mayroong alok na tulong upang muling umusbong ang domestic travel sa bansa na inaasahang magsisimula ngayong Miyerkules.
Noong Huwebes hindi isinama ng gobyerno ang Tokyo kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng corona virus sa bansa, dahil maaaring mas lumala ang impeksyon.
Kamakailan lamang tumaas ang bilang ng kaso sa mga kabataan at mga asymptomatic carriers.
Ayon kay Akaba mayroon lamang mga partikular na age group at laki ng grupo sa mga tour ang isinasaalang-alang pa, halimbawa na dito ang bilang na 50 katao na magkakasama sa isang destinasyon.
Ang mga biyahe sa paaralan na pinamumunuan ng mga guro, gayunpaman, ay saklaw ng kampanya sa paglalakbay, ayon kay Akaba.
Kabilang sa ¥1.35 trilyon ($12.6 bilyon) tourism push, ang gobyerno ay magbibigay subsidiya na kalahati ng gastos ng mga turista kabilang na dito ang tirahan at transportasyon, kasama na dito ang diskwento na bigay ng gobyerno na nagkakahalaga ng 35 porsyento ng kabuuan ng gastos.
Ang natitirang 15 porsyento ay masasakop ng mga coupons na magsisimulang ibahagi pagtapos ng Setyembre para sa pagkain, pamimili at iba pang mga aktibidad na inaalok sa destinasyon, ayon sa Ministro ng Turismo.
VIRUS TESTING CENTERS SA JAPAN, POSIBLENG MAGBUKAS SA SEPTYEMBRE
Maaaring simulan ng Japan ang pagpapatakbo ng coronavirus testing centers sa mga pangunahing paliparan at sa mga malalaking lungsod sa Setyembre upang makatulong sa pagpapatupad ang pamahalaan sa mga patakaran sa international flights, ayon sa opisyal ng gobyerno noong Martes.
Sisimulan ng Japan na magsagawa ng halos 9,000 polymerase chain reaction (PCR) test bawat araw sa mga manlalakbay sa mga sentro sa paliparan ng Haneda, Narita at Kansai pati na rin sa Tokyo at Osaka metropolitan areas, aniya ng mga opisyal.
Dadagdagan ng pamahalaan ang screening capacity sa 13,000 tests bawat araw matapos palakasin ang kakayanan ng mga naitayong quarantine stations, wika nito.
Susubukan din ng mga awtoridad bawasan ang dami ng oras na kinakailangan upang maproseso at magbigay ng mga resulta mula sa mga araw hanggang sa oras sa mga bagong pasilidad sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga gamit ng makabagong teknolohiya, aniya kanina ng mga opisyal ng gobyerno.
Ang mga testing centers na nagbibigay ng serbisyo sa mga darating na papasok ng bansa ay makakapagproseso ng 6,000 katao araw-araw – 1,800 sa Haneda sa Tokyo, 2,700 sa Narita na malapit sa Tokyo at 1,500 sa Osaka’s Kansai. Ang mga centers ay maaari ring magtest ng aabot sa 6,000 na pasahero paalis ng Japan araw-araw.
Bibigyan ng kaukulang sertipiko ang mga taong nag negative sa ginawang test.
Ang mga pribadong clinic ay magsasagawa ng mga pagsusuri para sa mga aalis sa Japan hanggang sa magbukas ang mga centers, ngunit ang kabuuang bilang ng mga test na isinasagawa araw-araw ay pinaniniwalaang hindi hihigit sa ilang daan.
CTTO: MAG-USAP TAYO BY: VICKY OZAWA