Ang makulay at makasaysayang kultura ng Japan ay sadyang masinsing ginawa ng panahon na punung puno ng mga kakaibang mga sangkap na bagamat misteryoso ay kapakipakinabang naman. Tuklasin natin ang tungkol sa burial in Japan.
Ang mga natatanging sangkap nito ay naaayon sa tatlong pangunahing relihiyon ng Japan tulad ng Shintoism, Buddhism at Kristiyanismo. Ayon sa relihiyon ng Budhismo, mahalagaang matutunan ang maging non-violent, hindi maramot at mapagmahal sa kapayapaan. Para sa mga Buddhists, ang kamatayan at buhay ay batay sa teorya at paniniwalang Near Shore at Far Shore. Ito ay tumutukoy sa Land of the Living and Land of the Dead.
Japanese Beliefs on Death Based on Buddhism
Sa Budhismo, ang kamatayan ay ang daan tungo sa kaliwanagan. Reincarnation rin ang isa sa mga pinakamataas na level kung saan tutungo ang isang tao na namayapa na.
Pinakamahalagang katangian ng kamatayan para sa mga Budhismo ay ang pagsubok sa katatagan at kalakasan ng kaluluwa at pagpapalaya sa isang mahal sa buhay sa oras ng kanyang kamatayan. Dapat isa-isip ng mga Buddhists na ang tao ay nangangailangan ng isang realization na ang buhay ay ukol sa pagiging panandalian nito o impermanence.
Paano nga iba isinabuhay ng mga disipulo ng Buddhismo ang maluwalhatinhg kamatayan ng isang abbot?
“On the abbot’s death, his direct disciples would wear robes of mourning and retire from their normal duties, while the other monks in the monastery would be assigned the functions of praising the abbot’s accomplishments and of consoling his disciples. The deceased abbot’s corpse would be washed, shaved, dressed in new robes, and placed inside a round coffin in an upright, seated position, as if engaged in meditation.”
Burial Rituals Based on Buddhism
Sa Budhismo, ang sari-saring ritwal ay nagsisimula pagkamatay ng isang tao. Tulad rin ng mga Pilipino, ang namayapa ay binibihisan at nilalagyan ng makeup para sa kanyang paglalakbay sa buhay na walang hanggan. Matapos ito, dapat makipag-ugnayan sa punenarya upang maiayos ang paglalamayan at paglilibing. Kasama rito ang pag-aalay ng donasyon sa isang Buddhist shrine. Ang lugar na paglalagakan sa namayapa ay depende sa paniniwala, budget at kung ilan lamang ang makikidalamhati.
May kanya-kanyang gampanin bago ang paglilibing. Ang namatayan ay dapat na ipabatid sa iba nitong kamag-anak ang tungkol sa maluwalhating pagpanaw ng kanilang kamag-anakan. Kailangan ding magsuot ng wastong kasuotan. Siyempre, ang mga alay tulad ng bulaklak at matatamis ay di dapat kalimutan. Bilang pag-alala sa namatay, kailangan rin ang kanyang pinakamagandang larawan upang ito ay gawing display o palamuti sa paglilibing.
Kung pagkain naman para sa libing ang pag-uusapan, isa sa mga pinakapopular na inihahain ay ang tinatawag na Otoki. May mga korona at parol rin namang isasabit bago matapos ang seremonya. Ang pari at ang mga nakikidalamhati ay nagtitipon sa isang ceremonial hall at ang bangkay ay muling bibihisan bilang paghahanda sa kanyang biyahe patungo sa buhay na walang hanggan.
Sa ikalawang bahagi ng seryeng ito, matutunghayan at malalaman ang iba pang mga ritwal ng paglibing sa banssang Hapon. Abangan.
By katorisi (Own work) [GFDL or CC BY 3.0], via Wikimedia Commons