June 6, 2019 – 12:00am
MANILA, Philippines — Tuloy ang “provincial bus ban” sa kahabaan ng EDSA matapos bigong makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema ang mga mambabatas na humihiling na ipagpaliban ang polisiyang ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Itinakda sa Hunyo 25 ang pagpapatuloy ng deliberasyon sa petisyon nina AKO Bicol party-list Reps. Ronald Ang at Alfredo Garbin Jr., at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda matapos na magkasundo ang mga hukom na ipagpaliban kahapon ang deliberasyon hinggil sa bus ban.
Ayon sa isang source sa SC, hindi naglabas ng TRO ang mga hukom dahil wala silang nakikitang dahilan upang madaliin ang pagpapalabas ng TRO upang pigilan ang pagpapatupad ng MMDA’s Regulation No. 19-002.
Ayon naman kay Bong Nebrija, MMDA traffic czar, hihintayin nila ang guidelines na ipapalabas ng LTFRB bago tuluyang ipatupad ang bus ban.Handa rin naman ang MMDA na isuspinde ang bus ban kung kinakailangan ang konsultasyon sa mga stakeholders.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/06/06/1924075/bus-ban-sa-edsa-tuloy#eXDOHkm227pvqG4O.99