Bus company punished after vehicles departed 14 seconds early
Nag-alisan nang hanggang 14 segundo nang mas maaga sa iskedyul ang mga bus ng Keihan Bus sa limang bus stop sa lungsod ng Hirakata, Osaka. Ang insidente, na naitala nitong Lunes (ika-11), ay nagresulta sa isang pormal na babala mula sa Kinki Transport Bureau ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism.
Nakumpirma ang iregularidad matapos magreklamo ang isang pasahero. Sinuri ng kumpanya ang operation records at footage mula sa onboard cameras, na nagpatunay na may mga biyahe ngang umalis nang mas maaga sa itinakdang oras.
Ang Kyotanabe branch ng Keihan Bus ay mayroon nang kaparehong paglabag noon at nakatanggap na rin ng official recommendation noong Hulyo 2023. Sa inilabas na pahayag, inamin ng kumpanya ang kakulangan sa tamang pag-check ng oras ng mga driver at nangakong paiigtingin ang internal rules nito.
Source / Larawan: Kyodo
