Culture

Silent Cafe: Bawal Ang Maingay?

TOKYO – Cafe na ipinagbabawal makipagusap sa kahit na sino, Nauuso ayon sa kabataang hapon. Bakit kaya?

Ang mga tahimik na cafe, na bawal makipagkwentuhan sa mga nakatakdang oras o minsan ay sa buong araw,popular umano sa mga tao na nasa kanilang mga 20’s at 30’s. Ayon sa mga Customers mas nakakarelax at mas gustoi nilang puntahan ang mga ganitong klaseng coffe shop kumpara sa mga pangunahing malalaki at kilalang coffee shop chains sa bansa. Ang popularidad ng ganitong klaseng mga cafe ay halintulad sa mga sikat na jazz cafes noong 1960’s at 1970’s, kung saan nagpupunta ang mga kabataan upang makinig lamang sa musika ng tahimik sa piling lugar sa Tokyo.

Photo credits: Japan Trends, Ilan sa mga nasabing customer sa Cafe Keshipearl sa Kobe.

Sabado ng gabi sa Kobe, Hyogo Prefecture. Pero sa Cafe Keshipearl, isa sa mga “tight lipped cafe’s” iilan pa lamang ang makikitang mga customer para magbuno ng ilang oras sa katahimikan, pagbabasa o simpleng pagrerelaks ng isipan malayo sa magulo at pagkabusy. Lahat na maaaring marinig mula sa background music,paggiling ng coffee beans at ang tick-tock ng orasan. Ang mga Staff ng Cafe ay kumukuha ng mga order sa pamamagitan ng pagbubulungan lamang.

Ang Keshipearl Cafe ay may “Shizu hours”, naka-ban ang pag-uusap tuwing , 8:00-10:00 ng umaga Biyernes at Sabado. Ang Cafe Manager na si Tatsuya Nishiyama ang nakaisip ng ganitong ideya tatlong taon na ang nakakaraan.

Ginagamit ng mga tao ang notebook upang makipag-usap sa R-za Dokushokan, isang Cafe sa Tokyo.

Kung gusto nyong mapagisa at nature lover ka nababagay sayo ang R-za Dokushokan Cafe sa Suginami Ward, Tokyo dahil napapalibutan ito ng iba’t ibang uri ng halaman.

R-za Dokushokan sa Suginami Ward, Tokyo, ito ay ilang minutong lakad mula sa JR Koenji Station. Ang pangunahing layunin ng cafe shop na ito ay ang panatalihin ang katahimikan. Ang mga Customers ay pinahihintulutan lamang na magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsulat sa isa sa pito o walong mga notebook inilalagay sa buong shop. Ang mga notebook ay napuno ng simpleng kwentuhang tulad ng “Tara na, alis na tayo” at “Kailangan kong pumunta sa banyo sandali bago tayo umalis.” Ang pag-uusap ay ipinagbabawal sa lahat ng oras sa buong araw ng pagbubukas ng coffee shop na ito.

Ipinagbabawal ang Pakikipagusap mula 11:30 – 18:00 sa Eagle, isang jazz cafe sa Tokyo. Ang sign ay may nakasulat na: “Mangyari lamang na maging tahimik.” Bilang paalala.

Eagle, isang jazz cafe sa Shinjuku Ward, Tokyo, na binuksan noong 1967, nakakita sila ng malaking potensyal sa ganitong uri ng negosyo dahil sa pagtaas sa bilang ng mga mas bata na single customers, partikular na sa mga kababaihan sa kanilang mga 20’s at 30’s, sa nakalipas na anim na buwan. “Baby boomers” ika nga kung ituring nila. Dahil na rin sa kukunti lang sa mga cafe shops ang tumatangkilik ng Jazz music, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit sila dinadayo ng karamihan.

For the rest of the article please click the link below:

http://asia.nikkei.com/Life-Arts/Life/Tight-lipped-young-love-chat-ban-cafes?page=1

Source: Asia Nikkei,M-cha Jp

 

To Top